Seven

1.8K 73 11
                                        




"Kuya naman, we already had a deal na hanggang 1 month lang siya dito." asar kong sabi kay kuya Jun.


"Eh doon naman siya titira kila Mika after one month." balik nito sakin. Gusto kasi niya na magstay na dito si Thomas nang mas matagal pa para raw mapatanag siya na may nagbabantay sakin. Babantayan? Mamaya rape-in ako non eh.


"You choose. Dito siya or I'll bring you with me in Manila?" matikas na sabi nito sakin. "Fine fine! Pero kapag pupunta na ako ng Manila, dapat wala na rin siya dito." ani ko. Natawa naman siya.


"Gusto mo lang na hanggang Manila, kasama mo siya eh." pang-aasar nito. Hinampas ko naman siya pero naiwasan niya ito. Tatawa-tawa lang siyang umalis at iniwan ako.


"Umagang, umaga nakabusangot ka diyan bebe." lumingon naman ako sa nagsalita. Si Dichi Almira pala. Kakarating lang nila ni Kuya Perry kaninang madaling araw. Tumingin naman ako sa orasan, at 7:30 na pala. "Si Kuya kasi eh." sumbong ko sakaniya na parang batang inagawan ng candy.


"Hay nako, baby ka pa talaga. Kaya hindi ka magkaboyfriend at magka-asawa eh." asar nito sakin. "Grabe naman, dadating din yan, who you talaga kayo sakin!" natawa naman siya at kumuha ng chocolate na kinakain ko.


"Ayaw mo ba talaga umalis muna dito? Para na kayong nakakulong nila Ye at Je dito eh." tanong niya sakin. Napaisip naman ako. "Wala naman kasi akong gagawin kapag umalis ako. Naisip ko nga na mag-travel pero nasasayangan lang ako sa pera." sagot ko. Balak ko kasi talaga mag-travel nalang, pero feeling ko sayang lang din kung gagala lang ako at magwawaldas ng pera.


"Bakit hindi ka magtrabaho? Or magtayo ng business? Tutal entrep naman tinapos mo, right?" tanong niya ulit. "Naisip ko na rin yan, Dichi. Pero hindi kasi ako makahanap ng tamang tyempo and ideas. Ayoko naman kasi na magsawa ako agad sa gagawin ko." sabi ko sakanya at tumango tango lang ito.


"Hmm sabagay. Pero eto, advice ko lang naman. You should free yourself from this island, maganda man and masarap buhay mo dito, paano naman yung natitirang 7, 106 na isla dito sa Pinas, diba?" sabi nito sakin. Natawa naman ako sa 7, 106 na ibang isla, witty talaga.


"Oh baka naman kasi merong dahilan kung bakit ayaw umalis bigla dito sa isla?" binigyan naman niya ako ng mapanuring tingin. Sasagot na sana ako nang biglang lumabas si Thomas galing sa kitchen.


"Ara, nasaan yung chocolates para sa ganache?" tanong nito sakin. Tumingin naman ako sa bowl na hawak ko, chocolates? "Eto ba?" tinaas ko naman yung bowl.


"Ayan nga, tsk. Sabi na eh, kaya nawala eh." asar nito sakin at inabot ko na yung bowl. "Malay ko bang gagamitin mo, inabot lang sakin yan ni Kuya eh." paliwanag ko dito. Hindi na niya ako pinansin at bumalik na sa kitchen.


"Kung ganyan naman kagwapo at ka-hot ang kasama ko, bakit pa nga ba ako aalis dito?" pang-asar sakin ni Dichi. "Hay nako, bahala ka jan Dichi. Sige na, gigisingin ko muna sila." tumayo na ako at umakyat sa taas kung saan natutulog ang bullies.


Sa akin kasi nakitulog ang Bullies pati narin si Kuya Jun. Habang si Tita Susan, Tita Bhaby, Dichi at Kuya Perry, sa bahay nila Jeron. Kila Jeron kasi ang bahay na may individual rooms, prepared na raw kasi sila in case bumuo sila ng basketball team. You know naman.


Habang sa bahay ko, para ngang retreat house. 3 lang kasi ang individual rooms dito, at yung 2 natira, malaking rooms na pwede i-occupy ng 6 persons each. Kaya dito madalas gawin ang team building namin noong College. Or di kaya, team building ng team ni Jeron.





The Lost One (ThomAra)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon