This chapter contains transitional events. Medyo mabilis or talagang mabilis yung sequence ng events. Bakit? Dahil wala pa tayo sa kaling-kingan ng story HAHA.
Enjoy!
-
"Pare naman, hindi ako pumapanig kay Ara. And i'm not saying she has the right to judge you. Pero don't expect her to trust you 100% when in fact, wala pa atang 2 or 3 months kayong magkakilala." Sabi ni Jeron sa akin. Napabuntong hininga na lang ako.
"Come on, think about her side too. She gave in much trust in the past, and lahat ng binigyan niya, binigo lang siya. Saksi ako don, bro. Nag-iingat lang si Ara." pagpapatuloy niya. "Pero hindi ako katulad nila." sagot ko.
"That's the point. How can she be so sure na hindi ka nila katulad when she met you just a couple of weeks ago? Think about it, bro." he stood up and patted my back. "You'll get through this. Maybe eto na yung tamang panahon para makilala ka niya ng buong-buo." at naglakad na siya pabalik sa bahay nila.
Honestly, yes. Partly siguro masaya ako dahil alam kong may pakielam si Ara sakin nang malaman niya na may kausap akong iba. But ofcourse, masakit parin isipin na sa simpleng phone call pa lang, najudge and na-misunderstood niya na, paano pa kaya yung mga sunod na malalaman niya?
Hindi muna ako dumeretso sa bahay at sa likod nalang pumunta. Umupo nalang ako sa isang restchair sa lawn.
Pinikit ko nalang ang mata ko at nag-isip.
Naputol namang ang pagpapahinga ko nang may marinig akong magsalita. "Natanaw ko kayo ni Ara kanina, mukhang nagkasagutan kayo ah." si Manang Teta.
"Opo, manang. Pasensya na ho." sagot ko. Napayuko nalang ako. Umupo naman siya sa kabilang upuan. "Kung ano man yan, sana huwag niyo nang patagalin pa. Ayokong nakikita kayo ganyan, lalo na ang makitang umiiyak ang alaga ko." sabi nito sakin.
"Manang, sa tingin niyo po ba worthy ako ng tiwala ni Ara?" tanong ko. Bahagya naman siyang natawa ng mahina.
"Sinasabi ko na nga ba, diyan kayo magkakatalo eh." sagot niya. "Malalaman mo lang kung karapat-dapat kang bigyan ng tiwala, kung ipapakita at ibubukas mo nang buong-buo ang pagkatao mo sakanya." sunod niya.
"Paano ka niya bibigyan ng tiwala, kung maliliit na pira-piraso lang ng buhay mo ang kaya niyang panghawakan?" napaisip naman ako.
Hindi ko alam kung ano pa ang pwede kong ipaalam sakaniya, dahil hindi na naman importante yung ibang detalye ng buhay ko. Ayoko lang din kasi na mag-isip siya sakin ng iba base sa mga posibleng ikwento ko tungkol sakin. Natatakot lang din ako, damn coward.
![](https://img.wattpad.com/cover/54744218-288-k918056.jpg)
BINABASA MO ANG
The Lost One (ThomAra)
RandomA fanfiction about Thomas Torres x Ara Galang. All rights reserved. 2016. © amaranthsoul