Chapter 1

139 7 0
                                    

Chapter 1

Edz’s  Pov


Unang araw ng pasukan, at super excited kami ng mga magkakaibigan. Kahit hindi pareho ang mga kursong kinuha namin, hindi pa rin nawawala ang pagkakaibigan namin.

Habang naglalakad ako, panay tingin ko kung saan-saan. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napalapit ako sa kanila, pero hindi man lang nila ako napansin.

"Ang ganda pala rito, mga bhesty," sabi ni Jeniz sa kanila.

"Saan na ba si Edz?" tanong ni Jessie habang napatingin ako sa kanya. Natatawa ako—kanina ko pa sila sinusundan, pero hindi man lang nila ako napapansin. Siguro dahil panay kung saan-saan ang tingin nila.

"Ang sabi niya, nandito raw ang bruha," sabi ni Jessie. Natawa ako sa reaksyon ng mukha niya. Loko talaga, tinawag pa akong bruha!

"Saan? Wala naman," sagot ni Jeniz sa kanya.

Kanina pa ako patingin-tingin sa kanila, pero hindi talaga nila ako napapansin. Sabagay, nakatago kasi ako malapit sa puno habang sila naman ay naghihintay at nakatayo lang doon—mga bruhang kaibigan ko talaga!

"Malalate na tayo nito," mahina namang sabi ni Jessie. Kanina ko pa sila naririnig. Dahan-dahan akong nagtago at napalapit sa puno. Hinintay ko silang makarating, pero wala silang balak lumapit—panay reklamo lang nila na baka malate kami.

Ayaw ko namang ako ang maging dahilan ng pagkaka-late nila, lalo na kay Jessie na super seryoso sa pag-aaral. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanila at bigla silang ginulat. Napasigaw talaga sila! Tawang-tawa akong hinarap sila.

"Nakatago kasi ako sa may puno," sabay turo ko sa kanila. Kitang-kita ko ang mga mukha nila—hindi maipinta!

"Gagi, ginulat mo naman kami!" sigaw ni Jeniz sa akin. Tawang-tawa ako, lalo na sa itsura nilang magkakasalubong ang mga kilay.

"Tara na nga, hanapin na natin ang room natin. Baka malate pa tayo," yaya ni Jessie sabay irap sa akin. Ang seryoso nito!

At ayon, nilayasan na ako ng tatlo. Loko ah! Iniwan ako. Mukhang hindi nila nagustuhan ang biro ko. Eh, problema na nila 'yon!

"Hoy, hintayin niyo naman ako!" sigaw ko habang habol sa kanila.

"Kainis naman kayo! Pinagod niyo ako," sabi ko sa kanila. Ang papabebe talaga ng mga 'to, pinahirapan pa ako.

"Lakas mo makatrip! Malalate na tayo!" sigaw ni Jeniz sa akin.

"Ang seryoso niyo kasi," sagot ko sa kanila. Tahimik lang sila hanggang sa makarating kami sa room ko.

"Sayang lang, Edz, hindi ka namin kaklase. Ano ba first subject mo?" tanong ni Jessie. Napatingin ako sa kanya—ang lungkot ng mukha niya. Kami kasi ang magkasangga sa lahat ng oras.

"Math," sagot ko. Ako lang kasi ang nahiwalay sa kanila.

"Kita na lang tayo mamaya, sabay tayo mag-lunch, ah! Sige, alis na kami," paalam ni Jessie sa akin. Tumango na lang ako.

"Sige, pasok na ako, mga pretty bestie!" sabay kaway ko sa kanila.

Pagpasok ko sa room, napatingin ako sa unahan. Wala man lang bakanteng upuan, kaya napatingin ako sa pinakadulo. May nakita akong bakante, kaya pasimple kong sinulyapan ang mga bago kong kaklase. Hindi ko napansin si Roxanne at si Bryan, kaya bigla akong nakaramdam ng hiya—wala man lang akong kakilala dito.

Patingin-tingin ako sa paligid, hinanap kung saan may bakante. May nakita akong upuan sa kabilang dulo, kaya lumapit ako at tinanong ang katabi nito.

"Kuya, may nakaupo ba rito?"

Ilang beses ko nang inulit ang tanong, pero hindi siya sumasagot. Pipi siguro 'tong lalaking 'to?

"Kuya, may nakaupo ba rito?" ulit ko. Wala pa rin siyang reaksyon. Napikon na ako. Uupo na sana ako nang bigla niyang hinila ang silya, kaya ayun—natumba ako at napasigaw nang malakas!

Nagkatinginan ang mga kaklase ko, tapos pinagtawanan nila ako. Bwisit! Buti na lang wala pa ang teacher namin—lagot na kung nandito na siya.

"Aray!" sabi ko habang hinarap ang lalaki. Wala man lang siyang reaksyon. Ano bang trip ng gagong 'to?!

Napatingin ako sa paligid—tawang-tawa pa sila. Nakakatawa ba 'yon?!

"Ano ba problema mo?!" mataray kong tanong sa kanya. Pero hindi pa rin siya nagsalita. Sa halip, 'yong kaibigan niya ang sumagot—hindi ko siya kilala, pero matangkad siya.

"Alam mo ba, Miss, bawal diyan umupo sa silyang 'yan," sabi niya.

Tiningnan ko lang siya. Ano daw? Bawal umupo? Huwag mong sabihin pagmamay-ari niya 'to? Anong trip nito sa buhay?!

"At bakit naman?" mataray kong tanong sa lalaki.

"Siya ba ang may-ari ng school na 'to?" dagdag ko pa. Pero bigla siyang tumawa. Wow, seryoso 'to?

"Kung sabihin ko sa'yo na ako nga?" sagot niya, seryoso pa rin.

Napatingin ako sa kanya. Sa wakas, nagsalita rin ang gago! Hindi ko napigilan ang malakas kong tawa. Ang lakas din ng yabang nito! Siya raw may-ari? Pinanindigan pa talaga?!

"Tinanong ko lang kung ikaw may-ari. Wow, ha! Ang yabang mo rin!" sagot ko, sabay irap.

"Miss, kung ayaw mo maniwala, makakaalis ka na," seryoso niyang sagot. Napahinto ako sa katatawa.

"Sino ka naman para paalisin ako?" mataray kong balik sa kanya. Hindi ako magpapatalo sa lalaking 'to! Sinira niya araw ko!

Pinagtawanan nila ako ulit. Anong nakakatawa? Ang sakit kaya ng bagsak ko! Kung napilayan lang ako, hindi ko na siya titigilan! Akala niya magpapatalo ako? Mangarap siya!

Tiningnan ko siya nang masama.

"Ang tapang mo," sabi niya, sabay lapit sa akin.

Ano 'to? Power trip?! Nagkatinginan kami, pero hindi ako nagpatalo. Sino siya para umatras ako?

Biglang pumasok ang teacher namin. Nataranta ang mga kaklase ko, kanya-kanyang balik sa upuan. Ako lang ang natirang nakatayo. Ano gagawin ko?!

Napatingin ako sa bakanteng upuan. Nagdalawang-isip ako—uupo ba ako o aalis na lang? Problema ko lang, katabi ko siya. Lahat sila nakaupo na, ako na lang ang nakatayo. Ayaw ko namang mapagalitan ng teacher—unang pasukan pa lang, tapos masisira lang dahil sa lintik na upuan na 'to?!

Napagdesisyunan ko—wala akong choice. Umupo ako sa tabi niya.

Tiningnan ko siya. Tahimik lang siya, pero nakatingin sa akin. Bwisit! Ano na naman?!

Hinawakan ko ang upuan para makasigurong hindi niya ito hihilahin ulit. Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas, nakaupo na ako. Hindi ko na siya pinansin para walang gulo. Nakinig na lang ako hanggang sa matapos ang subject.

Nang matapos na, nagsalita na naman siya.

"Hoy, Miss, makakaalis ka na."

Napatingin ako sa kanya. Eto na naman siya!

Inirapan ko siya. "Ayaw ko nga!" sagot ko, nagmatigas ako.

"Ayaw mo dahil gusto mo akong makasama?"

Ano raw?! Feelingera 'to ah!

"Kapal ng mukha mo! Para sabihin ko sa'yo, wala akong choice! Nakikita mo bang may bakanteng upuan? Ang arte-arte mo! Takot ka ba sa babae?" sabay harap ko sa kanya.

"Allergic ka ba sa babae?" tanong ko pa, habang nakangisi.

Biglang nagkunot-noo siya at tumingin sa akin. Akala ko hindi siya papatol, pero laking gulat ko nang bigla siyang lumapit sa harapan ko—sobrang lapit hanggang sa halos magdikit na ang mukha namin!

Natulala ako. Anong ginagawa niya?!

Nataranta ako at bigla siyang itinulak palayo. Loko 'yon ha! Hahalikan ba niya ako?!

Walang sabi-sabi, tumayo ako at umalis. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. Ang sarap nilang iuntog! Nakakainit ng ulo!

Ultimate Barkada Series-Series #5-Dreamboy(Emz and EdzTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon