RAFAEL : Tol, ikaw na!
Tinapos agad ni Gerson ang kasisimula pa lamang na almusal at tumayo na agad sa kanyang kinauupuan. Nang napadaan siya sa aking likod, sinadya niyang idikit ang kanyang matigas na sandata sa aking katawan. Damang-dama ko ang pagkiskis ng kanyang ari sa aking likuran. Napabuntung-hininga ako sa aking naramdaman.
5:45 am. Nag-iwan ako ng sulat para kay Enzo na naglalaman ng mga habilin ni Aling Marissa. Idinikit ko iyon sa pintuan ng aming silid. Bago ako lumabas, sinulyapan ko muna ang tulog pa ring si Enzo.
Sa eskuwelahan...
ALVIN : Magandang umaga, Sir.
AKO : Magandang umaga din. Nandiyan na si Mam Villa?
ALVIN : Wala pa po. Bago siguro mag-flag ceremony, nandito na iyon.
AKO : Ganun ba. Sige, pasok na ako.
ALVIN : Sige po.
Kagaya kahapon, ngumiti na naman ito na medyo makahulugan. Hindi ko na lang ulet pinansin.
Pagkatapos ng flag ceremony, dumiretso na ako sa unang section na hawak ko kung saan kabilang si Gerald. Nagulat at na-impress ako sa aking nakita. Tahimik ang lahat. Malinis ang silid at halatang ready na silang makinig sa aking ituturo. Natuwa ako at lihim na napangiti.
4:30 pm. Pauwi na ako sa aking tinutuluyang bahay. Habang naglalakad, may tumawag sa aking pangalan. Nagulat ako ng malaman ko kung sino iyong tumawag sa akin.
AKO : Akala ko kung sino. May kailangan ka?
GERALD : Wala, Sir. Gusto ko lang pong sumabay sa inyo sa pag-uwi.
AKO : Ganun ba. Pasensiya na. Hangga't maaari, ayokong may kasabay pauwi na estudyante.
GERALD : Sir, sa ayaw at sa gusto ninyo, sasabay ako sa inyo. Malapit lang naman ang bahay niyo sa amin, hindi ba?
AKO : Ganun ba. Sige... bahala ka.
GERALD : Thank you, Sir.
AKO : Thank you? Para saan?
GERALD : Kasi pinayagan ninyo akong makisabay sa inyo. Suwerte ko nga dahil kasama ko kayo ngayon.
AKO : Malas ko naman dahil kasama ko ngayon ang notorious na bad boy ng campus.
GERALD : Sir naman. Talagang bad boy ang tawag sa akin? (sabay tawa)
AKO : Bakit? Totoo naman. Malakas ang ebidensiya laban sa iyo. Kaya nga iyong ibang teachers mo ay sumuko na sa iyo. Halos ayaw ka na ngang makita at makausap. Buti nga hindi ka binibigyan ng expulsion ng Mam Villa.
GERALD : Bakit kinakausap mo ako ngayon, Sir? Katulad ng ibang teachers, alam ko namang ayaw ninyo rin sa akin, hindi ba?
AKO : Kaya kita kinakausap dahil kasabay kitang maglakad ngayon. Ang pangit namang tingnan na daldal ka ng daldal diyan tapos hindi ako sasagot. At saka, wala akong sinabing ayaw ko sa iyo. Kung ayaw kitang maging estudyante, pinili ko na lang sana iyong isang higher section para makaiwas lang sa klase ninyo lalo na sa iyo.
GERALD : Bakit mo pala kami pinili, Sir? Alam niyo na palang masama kami.
AKO : Mahilig ako sa challenge, Gerald. At isa ka sa mga challenge sa akin. Gusto kong malaman kung bakit ganyan ang asal mo, kung bakit ganyan ka makitungo sa ibang tao. Alam mo hindi ako naniniwalang masama ka. Alam kong may dahilan ang lahat at iyon ang gusto kong malaman.
Natahimik siya sa aking sinabi. Ilan saglit lang ay ngumiti na siya.
5:00 pm na nang makarating ako ng bahay. Nandoon na si Aling Marissa na nagluluto ng aming hapunan, pati rin sina Gerson at Rafael.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomanceRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.