Malamig ang panahon. Ang sarap magtalukbong ng kumot at ituloy ang pagtulog. Pero, kahit ayaw ng aking katawan, pinilit kong bumangon. Hindi pwedeng hindi pumasok ngayong araw. Maraming taong maghihintay sa aking pagdating.
Ako si Marco, 32 years old, 5'8 ang height, katamtaman ang laki ng pangangatawan, kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang public high school teacher at aminadong isang tagong silahista.
Nagsimula na akong magligpit ng aking pinaghigaan. Kumuha ng tuwalya at dumiretso sa banyo na nasa unang palapag ng tinutuluyan kong bahay.
Ang sarap sa pakiramdam ng tubig na nagmula sa shower. Hindi ko mapigilan ang sariling sumipol habang naliligo. Bago lumabas ng banyo, nag-ahit muna ako ng aking bigote at balbas na nagsisimula nang tumubo. Nagsipilyo na rin. Nakakahiya namang humarap sa maraming tao na madumi ang ngipin, hindi ba?Pagkatapos maligo, umakyat na ako sa inuupahan kong silid at inumpisahang ayusin ang sarili. Naglagay ng deodorant, nag-spray ng paborito kong body spray na may chocolate scent at nagsuot ng nakahandang puting brief, puting sando, itim na slacks, itim na medyas at bagong linis na sapatos. Huli kong isinuot ang aking puting polo barong.
Nagtungo ako sa harap ng isang malaking salamin at sinimulang ayusin ang aking buhok. Naglagay na rin ako ng kaunting pulbo sa mukha at pabango bilang final touch.
Inayos ko ang mga gamit sa aking messenger bag at lumabas na ng aking inuupahang silid. Isa munang malalim na hinga ang aking pinakawalan. Magsisimula na ang aking araw.
Dahil malapit lang naman ang tinutuluyan kong bahay sa school ay nilalakad ko na lang ito. Pakunsuwelo na lang sa pagod ang mga ngiti at pagbati ng mga estudyante tuwing makakasabay o makakasalubong ako sa paglalakad.
6:00 am. Nakarating din sa school. Bago pumasok ng gate, binati ako ng aming security guard na si Alvin.ALVIN : Magandang umaga, Sir.
AKO : Magandang umaga din. Nandiyan na si Mam Villa?
ALVIN : Wala pa po. Bago siguro mag-flag ceremony, nandito na iyon.
AKO : Ganun ba. Sige, pasok na ako.
ALVIN : Sige po.
Ngumiti ito na medyo makahulugan pero hindi ko na lang pinansin.
Matagal na naming security guard si Alvin. Sa aking pagkakatanda ay limang taon na. Siya ay 27 years old at walang nobya. Nakakapagtaka kasi mahitsura naman, 5'8 din ang height at may morenong kutis. Maganda din ang kanyang pangangatawan. Pihikan siguro sa babae.
Kapalitan niya sa trabaho si Mang Daniel, 40 years old, hiwalay sa asawa at may isang anak na nasa kalinga ng kanyang ina sa Sorsogon. Gaya ni Alvin, matagal na naming security guard si Mang Daniel.
Ngayong buwan ng Hunyo, si Alvin ang pang-umaga at si Mang Daniel naman ang nagbabantay sa gabi.
Pagkatapos ng flag ceremony, dumiretso na ako sa unang section na hawak ko. Pagdating ko doon, nadatnan ko ang mga estudyante ko na nagbabatuhan ng papel at hindi nila napansin na nasa pintuan na ako. Hindi ko sila pinansin. Dumiretso ako sa teacher's table.
GERALD : (may pagka-sarcastic) Excuse me, ikaw ba ang teacher namin?
AKO : (kalmado kahit galit na) Hindi po. Ako po iyong janitor po. Hinihintay ko lang po kayong matapos magbatuhan po ng papel po para makapaglinis na po ako.
Natahimik ang lahat sa aking naging sagot. Obvious naman kasi na teacher ako dahil sa suot kong uniform at ID.
19 years old si Gerald at masasabing pinakasalbahe kong estudyante. Balita kasi sa school ang pagiging bastos nito kahit sa mga teachers. Sabi nila, may angking talino sana ang loko pero talagang hindi maganda ang ugali. Dalawang taon na siya sa 3rd year high school.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomansaRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.