7:00 pm. Nasa faculty office pa rin ako. Tinatapos ko ang ilang reports na pinapagawa sa akin ng aming Department Chairman. Dahil nakaramdam ng pagod, saglit akong nagpahinga sa aking ginagawa.
Habang binubutingting ang aking laptop, hindi ko sinasadyang buksan ang isa sa aking mga folder kung saan nakatago ang mga hubad na larawan nina Mang Daniel at Junjun. Isa-isa ko itong tinignan.
Bigla akong napag-isip. Nitong mga nakalipas na buwan, napansin kong lahat ng magustuhan kong lalake ay nakukuha ko ng walang kahirap-hirap. Swerte ba ako pagdating sa sex? Bakit hindi ako pumapalya? Bakit hindi sila tumatanggi? Anong meron sa akin? Ganun ba talaga ako kaswerte? Nagkataon lang ba o sadyang pagkakataon na hindi ko pinalampas? Pagdating kaya sa pag-ibig, swerte rin kaya ako?
Marami pang katanungan ang umusbong sa aking isipan at pilit kong hinahanapan ng kasagutan. Napangiti na lang ako at bumalik sa aking ginagawa.
8:30 pm. Ang dami ko pang kailangang tapusin. Dahil gabi na, napagpasyahan kong ipagpatuloy na lamang ang paggawa ng lahat ng reports bukas, tutal Sabado naman at walang pasok.
Habang nag-aayos ng aking mga gamit...
MANG DANIEL : (mula sa pinto ng faculty office) Sir, inabot na kayo ng gabi. Grabe namang overtime iyan.
AKO : Oo nga po. Dami kasing pinapatapos na reports si Mam Nacionales. Pero pauwi na rin ako. Sa bahay ko na lang ipagpapatuloy.
Hinatid ako ni Mang Daniel sa gate ng eskwelahan at nagsimula na akong maglakad palayo dito. Hindi pa ako nakakalayo nang biglang...
AKO : (sa sarili) Anak ng pucha naman! Kung alam ko lang na uulan, nag-tricycle na sana ako pauwi.
Dahil wala akong makitang masisilungan at nangangambang mabasa ang mga gamit, lalung lalo na ang aking laptop, napilitan akong bumalik sa eskwelahan. Buti na lang at hindi pa nakakalayo sa gate si Mang Daniel. Agad niyang binuksan ito at ako ay pinapasok.
AKO : Mang Daniel, wala kasi akong dalang payong. Makikisilong muna ako dito hanggang humina o tumila ang ulan. Ok lang ba?
MANG DANIEL : Sige po. Doon tayo sa quarters. Mukhang malakas ang ulan.
Patakbo naming tinungo ang kanilang quarters.MANG DANIEL : Sir, pasok po kayo.
AKO : Salamat po. (sabay labas ng panyo at nagsimulang punasan ang nabasang mukha at mga braso)
MANG DANIEL : Buti na lang at hindi pa kayo nakakalayo kung hindi eh basang-basa kayo niyan pagdating sa inyo.
AKO : Oo nga. Siguradong sira din ang mga reports ko, pati na ang laptop ko.
MANG DANIEL : Maupo muna kayo, Sir.
AKO : Salamat po.
Dahil nabasa ng ulan, naghubad ng pang-itaas si Mang Daniel sa aking harapan at kumuha ng tuyong damit sa kanyang backpack. Agad niyang isinuot ang isang sando na hapit sa kanyang katawan. Isinampay naman niya ang basang tshirt sa isang alambreng sampayan.
MANG DANIEL : Sir, may extra akong damit dito. Magpalit na rin kayo. Basang-basa iyang tshirt niyo. Baka magkasakit kayo niyan. (iniabot ang tuyong sando) Heto po.
AKO : (nahihiya) Salamat po.
Tama si Mang Daniel. Baka nga magkasakit ako kung hindi ko papalitan ang suot ko. Kaya, nagpalit na rin ako ng damit. Parehas na kaming nakasando ngayon. Kinuha niya ang aking basang tshirt at isinampay Nagpatuloy naman ako sa pagpunas ng aking sarili.
Binuksan nito ang kanilang maliit na tv, umupo sa gilid ng kanilang higaan at nanuod ng balita.
Habang abala ito sa kanyang pinapanuod, naging abala naman ang aking mata sa pagtitig sa kakisigan ni Mang Daniel. Mas gumanda ang pangangatawan nito mula noong huli ko siyang nakasama. Pangromansa pa rin ang kanyang hubog. Kitang kita ko sa malapitan ang kanyang malalaking biceps at namumutok na chest muscles na halatang alagang alaga sa pagbubuhat. Bumaba ang aking paningin sa kanyang bukol. Bigla akong natakam.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomanceRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.