Biyernes, 3:30 pm.
Malakas ang ulan. Ayon sa weather forecast, may bagyo daw. Hindi nasuspende agad ang klase kaya karamihan ng mga mag-aaral ko ay nasa school at nagpapatila ng ulan. Hindi rin ako makauwi ng bahay dahil hindi ko nadala ang aking payong.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko kung bakit gustung gusto ko nang umuwi.
DANIEL : Sir, anong maipaglilingkod ko?
AKO : May payong po ba kayo diyan? Hiramin ko lang sana. Kailangan ko po kasing umuwi agad.
DANIEL : Meron, Sir. Sandali lang po. (kinuha ang payong sa kanyang bag at iniabot ito sa kanya)
AKO : (tinanggap ang payong) Salamat po, Mang Daniel. Pangako... ibabalik ko po ito mamya.
DANIEL : Wala iyon. Ikaw pa, Sir. (sabay kindat)
Agad kong inayos ang aking mga gamit at dali-daling umuwi sa tinutuluyang bahay. Pagkauwi, si Erick lang ang naabutan ko. Nanunuod ito ng balita.
ERICK : Nandyan ka na pala, Marco. Kamusta ang...
Hindi ko pinansin si Erick. Agad akong dumiretso sa aming silid at nagpalit ng damit pambahay. Pagkatapos ng ilang minuto, muli akong bumaba sa unang palapag.
ERICK : Kumain ka na ba, Marco? Bili ako ng merienda natin.
AKO : Naku... wag na, Erick. Salamat na lang. Busog pa naman ako. Teka lang, maiwan muna kita. Balik lang ako sa school. May nakalimutan kasi ako.
ERICK : Ah... sige.
Lumabas na ako ng bahay at agad na dumiretso sa bahay ni Ryan. Kinatok ko ang kanilang pintuan. Isa. Dalawa. Tatlong beses ko itong kinatok ng malakas. Malakas pa rin ang ulan. Paniguradong hindi niya maririnig ang aking pagtawag. Sinubukan kong buksan ang pinto. Nakapagtataka dahil bukas ito. Nagdesisyon na akong pumasok sa loob.
AKO : Sir? Nandyan ka ba?
Tinungo ko ang kusina ngunit hindi ko siya nakita doon.AKO : (sa sarili) Baka nasa kuwarto niya. Paniguradong natutulog iyon.
Umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay at tinungo ko ang kanyang silid. Pagbukas ko ng pinto ay napatigil ako. Hindi ko inaasahan ang tagpong aking madaratnan. Nakahiga si Ryan sa kanyang higaan. Hubad. Nakaunan ang kanyang ulo sa kanyang mga braso. Nakapikit at medyo nakanganga. Umuungol. Sa harapan naman nito ay isang lalakeng abalang abala sa pagchupa sa kanyang kargada.
Natulala ako sa nakita. Para akong napako sa aking pagkakatayo. Hindi ako makagalaw. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago naramdaman ng misteryosong lalake ang aking presensya. Napatigil ito sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin. Dinilat naman ni Ryan ang kanyang mata at gulat na gulat nang ako ay makita. Napabalikwas ito ng tayo.
RYAN : (dahan dahang lumapit at hinawakan ang kanan nitong kamay) Sir, magpapaliwanag ako.
AKO : (marahan) Bitawan mo ako.
RYAN : (dahan dahang binalutan ng takot at pangamba) Sir, magpapaliwanag ako.
AKO : (marahan pa rin) Bitawan mo ako, Ryan.
RYAN : (sinakluban na ng takot) Sir... magpapaliwanag ako.
AKO : (pasigaw) Sinabing bitawan mo ako. (padabog na kinalas mula sa pagkakahawak nito, sabay sapok sa mukha nito)
Sa lakas ng pagkakasapok ko sa kanyang mukha ay bumagsak ito sa kanyang kinatatayuan. Agad namang lumapit ang misteryosong lalake upang siya ay tulungan.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomanceRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.