Pagdating sa bahay, nadatnan ko si Enzo na abalang nanunuod ng basketball. Naka-jersey shorts lang ito. Hindi nito napansin ang aking pagdating.
AKO : Wala pa sina Raffy at Gerson?
ENZO : (nagulat) Ah... wala pa. Sa Linggo pa sila uuwi galing sa Baguio.
AKO : Ganun ba. Ang pinsan mo, nandyan na ba?
ENZO : Wala rin. Mamaya pa siguro iyon uuwi. Kumain ka na ba? Nagluto ako ng hapunan natin.
AKO : Hindi pa. Sige, magbibihis muna ako.
Pagkatapos magbihis, naghain na ako at sabay kaming kumain ni Enzo. Medyo binilisan ko ang kain dahil may paglalamayan pa akong reports. Gusto ko kasing tapusin ang mga iyon para wala na akong iniisip.
10:00 pm. Ako na lang ang naiwang gising. Tulog na si Enzo sa aming silid. Para hindi siya maabala (at para hindi ako ma-distruct sa katitingin sa kanyang bukol), sa sala na lang ako pumuwesto para tapusin ang mga natitira ko pang reports.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na si Erick. Mukhang pagod.
AKO : Nandyan ka na pala. Kumain ka na ba? Ipaghahain kita.
ERICK : Sige, ikaw ang bahala, Marco. Magbibihis lang muna ako.
Hinainan ko agad si Erick ng pagkain sa kusina. Hindi ko namalayan na nakababa na pala ito mula sa kanyang silid.
ERICK : (hinawakan ang aking baywang) Marco, marunong ka bang magmasahe? Masahian mo naman ako mamaya.
Ngumiti lang ako sabay tango.
Pagkatapos niyang kumain at linisin ang kusina, tumuloy si Erick sa banyo para maligo. Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na siya ng banyo na nakatapi lang ng tuwalya at kinindatan ako. Umakyat na siya sa ikalawang palapag at dumiretso sa kanyang silid.
Bigla akong nag-init. Nakaramdam na naman ako ng excitement. Naisip ko munang maligo. Kaya umakyat muna ako sa aming silid at kumuha ng tuwalya.
Pagkatapos maligo, dumiretso muna ako sa sala at pinatay ang ilaw bago umakyat sa ikalawang palapag. Tanging sando at boxers lang ang aking suot nang kumatok ako sa silid ni Erick.
ERICK : Bukas iyan.
Pumasok ako sa kanyang silid. Nakadapa ito sa kanyang kama at may binabasa. Puting tshirt at gray na boxers ang kanyang suot.
AKO : (medyo nauutal) Mamasahiin na ba kita?
ERICK : Oo. Pakikuha na lang iyong baby oil sa lamesa.
Hinubad na ni Erick ang suot niyang tshirt at dumapa ulet sa kama. Pilit kong itinago ang aking kaba at saya dahil sa maaaring mangyari. Ayokong mahalata iyon ni Erick.
AKO : Pagpasensyahan mo na, Erick. Hindi ako magaling magmasahe.
Pagkakuha ng baby oil, umupo ako sa kanang bahagi ng kanyang higaan at sinimulang pahiran ng langis ang kanyang likod. Una kong minasahe ang kanyang balikat. Sinunod ko ang kanyang batok. Narinig ko ang kanyang mahinang daing.
Muli akong bumalik sa kanyang mga balikat. Sadya kong pinasarap ang mga hagod ng aking mga kamay.
Pagkatapos, inasikaso ko naman ang kanyang likod. Mainit. Madiin.
Napapaungol si Erick sa sarap. Dahil sa kanyang naging reaksyon, lalo kong pinagbuti ang aking pagmamasahe.
Nang matapos ko ang kanyang likod, inumpisahan kong bigyan ng masahe ang kanyang kanang binti. Dahan dahan kong inangat ang aking mga hagod sa kanyang kanang hita. Inulit ko ang ganung pagmasahe sa kanyang binti at hita.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomanceRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.