Binilisan ko ang pagbihis dahil gahol na ako sa oras.
6:00 am. Sa wakas, nakarating din sa school. Bago pumasok ng gate, binati ako ni Mang Daniel.
MANG DANIEL : Magandang umaga, Sir.
AKO : Magandang umaga din po. Wala pa po si Alvin?
MANG DANIEL : Wala po. Nagpalitan na kami kagabi kaya diretso ang duty ko ngayon. Ako ang pang-umaga at siya naman ang bantay sa gabi.
AKO : Ganun po ba. Sige po. Pasok na po ako.
7:00 pm. Nasa faculty office pa rin ako. Ang dami kasing kailangang tapusin. Dahil gabi na, napagdesisyunan kong ipagpatuloy na lamang iyon bukas, tutal Sabado naman at walang pasok.
Isinara ko na ang faculty at nagmamadaling umuwi. Naalala ko kasi iyong sinabi ni Erick kaninang umaga...ERICK : Mamaya mo ipagpatuloy ah! (sabay kagat sa aking tenga)
Dahil sa sobrang excitement at pagmamadali, naiwan ko ang aking laptop sa loob ng faculty office. Nakakainis kasi wala akong susi ng silid na iyon.
AKO : Pasensya na sa abala, Alvin. May duplicate key ka ba ng faculty? Naiwan ko kasi iyong laptop ko sa loob.
ALVIN : Meron, Sir.
AKO : Naku, mabuti naman. Pwede bang pakibukas iyong faculty?
ALVIN : Sige po. (sabay ngiti)
Sa harap ng pinto ng faculty office.
AKO : Buti may susi ka din. Ang daming kasing report na nasa laptop. Hindi ko pa tapos kaya sa bahay ko na lang gagawin.
ALVIN : Ang sipag mo naman. Kahit walang pasok, trabaho pa rin ang inaasikaso mo. (binuksan ang pinto)
AKO : Salamat!
Pumasok na ako ng faculty office. Hinintay ako ni Alvin sa labas. Agad kong kinuha ang aking laptop bag na naiwan ko sa ibabaw ng aking desk. Pagkatapos, lumabas na ako ng office.
AKO : (habang isinasara ang pinto) Maraming salamat talaga. Pasensya na rin sa abala.
ALVIN : Naku. Maliit na bagay.
Hindi na naman nakaligtas sa akin ang kanyang malagkit na tingin. Iba talaga siya kung makatingin sa akin.
AKO : Sige, mauna na ako.
ALVIN : Hatid na kita sa gate, Sir.
Habang naglalakad, nakipagkuwentuhan ako sa kanya. Nagulat ako ng medyo itaas niya ang suot niyang tshirt. Lumitaw ang maganda niyang abs. Nagkunwari akong hindi ko napansin ang kanyang ginawa at nagpatuloy sa pakikipagkuwentuhan.
AKO : Hanggang 6:00 am ang duty mo, hindi ba?
ALVIN : Opo, Sir. Magpapalit kami ni Mang Daniel bukas.
AKO : Naku, Marco na lang. Masyado ka namang magalang. (saglit na nanahimik) Alvin, mukhang init na init ka.
ALVIN : (natawa) Oo nga, Sir este Marco. Banas! (mas lalong tinaas ang tshirt at pinunasan ang pawisang mukha gamit ang laylayan ng suot na tshirt)
Maganda talaga ang kanyang katawan, lalo na sa malapitan. Moreno ang kanyang kutis at pantay ang kulay na talaga namang nakakalibog. Natitigan ko rin ang kanyang mukha at totoong may itsura siya. "Bad boy look", parang pasaway.
ALVIN : Mukhang pinagpapawisan ka rin, Marco. Naiinitan ka rin ba?
AKO : Ah... oo nga. Bakit kaya ang init ngayon?
ALVIN : Tara... kuha kita ng tubig doon sa quarters namin.
AKO : (nahihiya) Sige...
Naunang naglakad si Alvin at sinundan ko siya. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang kanyang matambok na likuran. Mukhang masarap pisilin. Nakakagigil.
Madilim sa loob ng kanilang quarters. Patay ang ilaw. Pumasok siya sa loob habang ako naman ay nanatili sa labas. Ilang saglit lang, iniluwa siya ng pinto na may dalang dalawang baso ng malamig na tubig. Iniabot niya sa akin ang isa.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomanceRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.