AKO : (patungo sa pinto at isinara ito) Erick, tapatin mo nga ako. Ano ba ang intensyon mo sa akin? Pag-ibig ba o kalandian lang?
ERICK : (malumanay) Hindi ba halatang gusto kita, Marco?
AKO : Hindi mo naman sinagot ang tanong ko. Sige, aayusin ko ang tanong ko sa iyo. (napabuntung hininga) Gusto mo ako dahil mahal mo ako o gusto mo ako dahil sa libog lang?
ERICK : (hinawakan ang dalawang kamay nito at marahang pinisil) Marco, gusto kita dahil mahal kita.
AKO : Seryoso ka ba, Erick? Iba ang hanap ko. (marahang bumitaw sa pagkakahawak ng kausap, diretsong tumungo sa bukas na bintana) Hinahanap ko iyong taong gagawin akong priority, hindi temporary.
ERICK : Seryoso ako. Sa katunayan, seryosong seryoso ako. Hindi ba halata? Hindi mo ba nararamdaman?
AKO : Hindi ko alam, Erick.
ERICK : (napabuntung hininga) Alam kong kagagaling mo lang sa isang relasyon at alam kong mahirap ang pinagdaanan mo. Alam kong seryoso ka sa kanya. Iyon nga lang... hindi niya iyon pinahalagahan. (saglit na tumahimik) Hindi ko naman ipipilit na maging tayo kaagad, Marco. Handang handa ako sa maaaring mangyari. Maghihintay ako. Kung hindi mo lang kasi na-holdap ang puso ko noong una tayong nagkita, hindi ako magkakaganito sa iyo. Ang totoo niyan... simula nang magkita tayo, napagdesisyunan ko ng ipaglaban ito. At kahit naunahan ako ng pulis na iyon, hindi pa rin ako bumitaw. Alam ko kasing mas karapat-dapat ako.
Matamis kung pakikinggan ang mga salita ni Erick. Kilig sana ang hatid sa akin niyon pero pinangunahan ako ng takot. Iyong takot na baka maulit ang nangyari sa amin ni Ryan. Kung kailan nagbago ka para maging karapat-dapat ka sa kanya pagkatapos niyon ay malalaman mo na lang na ipinagpalit ka na kaagad.
Isang malalim na buntung-hininga ang muli kong pinakawalan.
AKO : (sa sarili) Ito na ang desisyon ko. Sana ay hindi ako magkamali.
ERICK : (dahan dahang lumapit) Ok ka lang ba, Marco?
AKO : Ok lang ako, Erick. Naiisip ko lamang kung bakit nangyari sa akin iyon.
ERICK : Wag mo ng isipin iyon. Nakalipas na iyon at hindi na dapat binabalik-balikan pa. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Palayain mo na ang sarili mo sa mga alaala niya.
AKO : Tama ka, Erick. Dapat ko na ngang palayain ang sarili ko.
ERICK : Iyan ang tama, Marco. (hinawakan ng kanang kamay ang kaliwang balikat ng kausap at marahang pinisil) Baba muna ako. Maghahanda na ako ng merienda. (binitawan ang balikat nito at tumungo sa pinto)
AKO : (nanatiling nakaharap sa bintana) Erick?
ERICK : (sandaling huminto) Bakit?
AKO : Mahal mo ba talaga ako?
ERICK : Hindi ako magsasawang ulit-uliting sabihin at iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal.
AKO : Erick, tulungan mo akong mahalin kita.
ERICK : (patakbong tinungo ang kausap at niyakap ito mula sa likod) Oo, Marco. Tutulungan kita.
AKO : (humarap sa kausap) Maraming salamat sa pagmamahal, Erick.
ERICK : Wag kang magpasalamat. Dapat ako ang magpasalamat dahil pinayagan mo akong iparamdam sa iyo ang nararamdaman ko. Mahal kita, Marco. (dahan dahan inilapit ang mukha sa kanyang mukha at masuyong hinalikan ito)
Simula noon ay naging mas maayos ang relasyon namin ni Erick. Hindi siya nahihiyang ipakita sa mga kasama namin sa bahay kung paano niya ako asikasuhin at alagaan. Sa una, medyo nakakailang kasi para akong babae kung ituring ni Erick. Ngunit habang tumatagal ay nakakasanayan ko na. At hindi na namamalayan na unti-unti ko nang sinusuklian ang pag-aalaga at pag-aasikaso niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Si Marco: Isang Tagong Silahista (BoyxBoy SPG) (Completed)
RomanceRated SPG. Reminder: Boy x Boy SPG Magbasa kayo. Gamitin nyo mata nyo at unawain nyo ung reminder. Kung ayaw nyo ng gantong story, wag basahin. Tapos! Hahaha. Note: Ginawang private ang story. Follow nyo ko para mabasa nyo ng tuloy tuloy.