Prologue

18.1K 405 20
                                    

"Ma'am! Ilang beses ko pa po bang sasabihin sa inyo na hindi nga po ako nagpakulay ng buhok! This thing..."

Hinawakan ko pa ang may kakapalang hibla ng buhok ko na kulay dirty white.

"Is natural. " sabi ko pa.

"Sinisigawan mo na ako Ms. Kione??" (Ki-yown)

Napakamot naman ako sa buhok ko.

"Hindi po ma'am, nagpapaliwanag lang." Sagot ko

Napa-pout na lang ako ng wala sa oras. Kung pwede ko lang patamaan ng kuryente ang gurong kaharap ko ay matagal ko ng ginawa. Pero ako naman ang malalagay sa pahamak nyan. Haist.

"Basta! Dapat bukas na bukas din ay hindi ko na makikita iyang kulay ng buhok mo. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagkukulay ng buhok sa school na ito at alam mo yan. Now you may leave." Masungit na pahayag sa akin ng guidance councilor.

Nakasimangot akong tumalikod at umalis ng guidance office.

Ako nga pala si Zoey Seline Kione, 17 years old. 4th year high school student. Hindi ako pangkaraniwan, well normal pala ako dati but not when I was accidentally charged by my uncle na naalala ko lang after a month of what happened to me. Isang physicist ang tito ko, sikat sya in fact, he was known for creating the impossible. Sadly, that includes me pero walang ibang nakaka-alam even my parents.

December 202*

Seven years old ako that time, bumisita ako sa laboratoryo ni tito, he has this on going experiment about sa device na kailangan ng gobyerno para panglaban sa gyera na naganap noon. Something like a bomb or what.

Nagkaroon ng malfunction sa ginagawa nya and it was already too late ng mapansin ako ng tito ko na nasa likod nya. I was about to surprise him that time pero ako ang nagulat. There where lights everywhere. Mga wires na tila nag short circuit at ang mismong experiment ni tito na nakalagay sa gitna ng pabilog na lamesa at sumabog.

He protected me from it, but that caused his life and also the three people na mga katulong nya sa nasabing experiment.

Kinabukasan ay nagising ako sa isang hospital room. My mom was beside me while holding my hand. Tinanong ko sa kanya kung anong nangyari 'cause everything was a blurr at ang tangi ko lang naaalala ay ang tito ko at kung paano nya ako prinotektahan sa isang pagsabog. I don't know what kind of explosion.

"Your uncle's dead honey. He was dead on arival." Sabi nito sa akin, but when I looked at her eyes para malaman kung totoo nga ba ang sinasabi nya ay iba ang nakita ko. It looks like she was lying to me. That there's something more than what I remembered.

She said it was an explosion mula sa isang sirang kotse at malapit kami doon ni tito kaya nadamay kami parehas. I left it that way, dahil bigla akong nakaramdam ng pananakit ng katawan. The doctor said that it was normal dahil baka siguro mula sa pagkakabagsak namin.

A week after I was released from the hospital ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko, that night I found a white strand in my hair, my mom thought it was normal dahil baka puting buhok lang daw. But I was seven year old! How can I have that? Again, I left it that way.

Then while I am taking a bath, bigla na lang may lumabas na strand ng parang maliit na kidlat sa middle finger at sa hintuturo ko. Kuryente. A spark.

I didn't told my mom about it. Dahil panigurado ay "normal lang yan" ang isasagot na naman nya sa akin.
I started to become causious sa actions ko.

I was confuse, scared, nervous, hysterical. But I had no one to answer my questions, to comfort me with my doubts. Pero soon enough, I learned how to handle it.

One time when my mom gave me a glass of water with ice and all dahil uhaw na uhaw ako, when I reached the glass at tanging hintuturo ko pa lang ang nakakahawak dito ay nabitawan ni mama ang baso kaya nabasag. She said that she felt a current, yung parang na-ground. She just let it off again dahil baka guni-guni lang daw nya ito.

There I realized, na hindi ko nasasaktan ang sarili ko kapag humahawak ako ng isang efficient na conductor ng electricity, but other people can be inflicted with pain kapag nahawakan ko because the power is within me.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon