3-Shocked

6.6K 186 4
                                    

Dedicated to sakkin

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

"Ano ba Rain! Bitawan mo nga ako! Bitawan mo ako sabi eh!" Malakas ko syang itinulak kaya't naalis mula sa pagkakahawak sa akin si Rain.

Dahil lahat ng tao ay nasa grand hall, kami lang halos at mangilan-ngilang tao ang nasa may classroom namin at sa paligid.

"What's your problem Zoey?! Bakit ba ayaw mong hinahawakan ka??" Tila nagtitimping tanong ni Rain sa akin.

Kanina pa kami nakalabas ni Rain mula sa hall kung saan naroroon ang SkyTech, hila-hila nya ako sa kamay at naguguluhan na talaga ako kaya bigla na lang akong napasigaw.

"Dahil ayokong masaktan ka!! Gosh! Are you okay? I can't..oh gosh." Saka ako napasabunot sa buhok ko at palakad-lakad.

Hindi ko kaya, nalilito na ako, bakit hindi sya nasasaktan? Bakit kaya nya akong hawakan? Nababaliw na ba ako? Wala na ba yung kuryente sa akin? Ok na ba ako? Wala na bang masasaktan kapag nahawakan ko? Kelan pa ako bumalik sa dati?

Ang dami kong tanong.

"Tumigil ka nga sa paglalakad at pumirmi ka! Ano bang problema? Dahil ba sa umalis tayo sa hall?"

Hindi! Hindi ko na nga iyon naiisip dahil tungkol na sa sarili kong katawan ang problema ko. Hindi ko nga guni-guni ang nangyari nung isang araw na nahawakan nya ako sa bare skin!

"Hindi! Hindi yun! Omg! Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit sayo? Hindi ka ba nakaramdam ng kuryente or something?" Aligaga kong tanong kay Rain na napakunot na lang ng noo sa inaakto ko.

Pero ako naman ang nagtaka at kumunot ang noo ng unti-unti syang ngumingisi.

"Ikaw ah? Sobra ka naman mag-alala sakin. Crush mo'ko no?" Asar nya sa akin.

Kung kanina ay palakad-lakad ako habang nakahawak sa ulo ko ay agad ko na itong ibinaba at napa-poker face na lang sa kanya.

Like seriously? Namomroblema na ako dito tungkol sa pagiging freak ko tapos sya aasarin lang ako? Pero syempre, hindi ko iyon masabi sa kanya dahil wala naman syang alam.

"Asa ka boy! Aish. Teka nga!" Biglang may pumasok na idea sa akin kaya napapitik ako sa ere.

"Anong good conductor ng electricity bukod sa tubig?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo ang weird mo ngayon. Pero lagi ka nga palang weird. Metal bakit?" Sagot nya sa akin.

Tumingin ako sa buong class room namin at sinubukang maghanap ng metal pero wala akong makita or dahil natataranta lang ako kaya tumakbo ako palabas ng classroom at dumiretsyo sa hilera ng mga faucet sa second floor malapit sa CR.

Binuksan ko ang isang faucet, at ng mahawakan ko ang metal na bukasan nito ay nakaramdam ako ng pagdaloy ng enerhiya na naging hibla ng mga kuryente.

Binuksan ko ang isang faucet, at ng mahawakan ko ang metal na bukasan nito ay nakaramdam ako ng pagdaloy ng enerhiya na naging hibla ng mga kuryente

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tuluyan ko ng binuksan ang faucet at hinayaang dumampi ang kanang kamay ko sa umaagos na tubig. Kitang-kita ko ang pagdaloy ng mga hibla ng kuryente mula sa aking mga daliri.

Meron pa rin. Kaya bakit hindi nasasaktan si Rain? Bakit hindi nya nararamdaman? Manhid ba sya?

"Anakng--what is that Zoey??!" Gulat na gulat at nanlalaki ang mga mata na tanong sa akin ni Rain. Gulat ko din syang tinignan at agad na isinara ang gripo.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, wala na, mawawalan na ako ng kaibigan. Mawawala na sya sa akin. Unti-unti ng lumalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang mga luha, natatakot ako, takot na iwasan nya ako at maging iba ang tingin nya sa akin. Na kamuhian nya rin ako tulad ng mga magulang ko.

"R-Rain...kasi..please. let me explain---"

Naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya.

"Are you insane??! Fuck!" Ganon na lang ang gulat ko ng magmura sya, never as in never ko pa syang narinig na magmura sa harap ko. Napayuko na lang ako at hinihintay na sabihan nya ng mga masasakit na salita at kung gaano ako ka-abnormal na tao.

"I'm sorry." Iyon na lang ang tangi kong nasabi.

I'm sorry for lying, I'm sorry for making you angry. I'm sorry if I'm not normal.

"Bakit ka nagso-sorry?" Nagulat ako ng ipatong ni Rain ang dalawa nhang kamay sa magkabila kong balikat.

"Kase----"

"Man! That thing you have there was awesome!! I knew it! I was right! F*ck!" Nanlalaki ang aking mga mata na napatingin kay Rain na tuwang-tuwa at ang lawak ng ngiti.

"H..h..hindi ka natatakot sa akin? H..h..hindi ka ba nawiweirduhan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Of course not! Sorry kung natakot kita kanina. Oo, hindi ako makapaniwala noong una pero tanggap kita Zoey, tanggap ko kahit na ano ka pa. Besides! That was awesome!"

Sa sobrang speechless ay hindi na ako nakasagot sa kanya.

"Kaya pala hindi ka nagpapahawak kahit kanino. Yun pala yun." Tumatangong pahayag ni Rain.

"Lahat ba ng hinahawakan mo nakukuryente?" Tanong nya sa akin.

"Oo..." ang tangi kong naisagot.

Napakamot sa sintido si Rain.

"Pero bakit ako hindi man lang nakaramdam ng parang na-ground?" Nagtataka nyang tanong.

"Iyon din ang hindi ko alam." Napabuntong-hininga na sagot ko.

"Pero okay na din. Baka sadyang maswerte lang ako. Tara na sa room!" Saka nya ako inakbayan.

Wala na akong nagawa kundi magpatianod sa kanya.

Sana nga Rain ay manatili kang swerte, dahil ngayong alam mo na kung anong meron ako, sana ay hindi mawala ang kung ano mang meron ka para mahawakan ako.

Because when your touching me, and you are this close to me, ako pa yata ang nakaramdam ng shock.

Masaya pala sa pakiramdam....

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon