26- Occupied

3.1K 84 3
                                    

"Hindi ko na kaya."

Saka ako pabalang na napahiga sa sahig.

"Anong hindi mo na kaya? Ni wala ka pa ngang nagagawa?" Sagot sa akin ni Sir James.

"Come on, stand up kiddo." Sabi nito sa akin at tinatamad naman akong tumayo.

Matapos nang pakikipagkwentuhan ko sa mga kaibigan ni Rain kagabi ay sabay-sabay na rin kaming nagpunta sa aming tutulugan. Hindi ko alam ang oras pero kung susundin ko ang aking body clock ay wala pa sa walong oras ang aking tulog ng ako ay magising.

They told me that it is much better to train early dahil hindi namin alam kung ano ang mga maaaring mangyari. I asked them if they have soemthing to say dahil tila hinahanda nila ako sa mas mabigat pang pangyayari but they told me that I shouldn't bother myself now and just focus.

"Are you kidding me? Paano ko mawawasak ang brick na ito with just me being a freak?" Angal ko sa taong kaharap ko.

Sir James will be the one to train me on my "powers", how to handle it and how to use it.

He told me to cut in half the brick infront of me na sobrang kapal gamit ang kuryente sa akin.

"Zoey, basic pa lamang iyang pinagagawa ko sayo. And all of this is for you. To help you. I know what you feel okay? Napagdaanan ko na rin iyan, but you need to concentrate on your main goal."

Payo nya sa akin.

"Pero I've been doing that for the past 4 hours, and look! Nothing happened." Reklamo ko pa pero imbes na sagutin ako ay inilagay nya ang kanyang mga kamay sa likod at naglakad-lakad sa aking harap.

"I remember when I first discovered my ability. Wala akong kaalam-alam noon na may acquired side effects na ako from the incident that happened. Naglalakad lang ako noon when all the metals na nadadaanan ko ay dumidikit sa katawan ko. Imagine how I freaked out that time. Pero I remain calm after minutes. One by one, ay natatanggal ko ito sa katawan ko. Then I am free as a bird."

Napakunot naman ang noo ko.

"O-kay? I should be calm? Is that it?" Tanong ko.

Napatawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko, I don't even know whats funny.

"No, well, partly yes. Pero what I'm trying to say is, focus on your goal at the same time, calm your nerves. You need to be the one to be in control of what you have. That brick." Sabay turo nya sa tatlong pirasobg brick na magkakapatong 4 meters away from us.

"Is a very strong type. Pero with your power, ang katumbas nyan ay minimal energy mo lang para mahati iyan. So instead of letting out an energy that is too much, kailangan mong ma-control ang ilalabas mong kuryente. Focus Zoey." Saad nito at iniwan na ako't nagpunta sa di kalayuan kung saan naroon ang mga gamit nya.

He was doing something na hindi ko alam kung ano.

Binalik ko ang tingin ko sa mga bricks na nasa harap ko.

Paano ko nga ba napalabas ang mga kuryente sa akin? Nung pageant naman sa school ay nagawa kong plaabasin at pagapangin pa nga eh. Even when Conner Heinz attacked me ay sobra-sobra naman ang lumabas sa akin.

One thing is for sure I guess, I was only thinking of one thing that time. Hindi ko siguro maipalabas ang kuryente sa akin ngayon dahil hanggang ngayon ay pina-process pa rin ng utak ko ang aking mga nalaman.

Like Conner Heinz isn't done yet with me.

That there is this kind of place na nasa underground that has been present all this years.

Rain's friends na aaminin ko ay nakakapangselos ang kung anong bond na meron sila. That I feel like I stole Rain's time sa pag-alis nya ng Sector to protect me.

I don't know. Masyadong madami. Kahit ang pag-iisip kung nabalitaan na ba ng mga magulang ko ang nangyari sa akin, na pinaghahanap ako. That I'm thinking if they even care for me? Are they worried kung nasaan na ako?

Things like that na hindi ko naman iniisip noon. Kasi iyon ang mali ko, I've never paid attention to my surroundings kasi I thought I only have myself.

Seeing these people sa Sector 56, naguumapaw ang pagpapahalaga at care nila sa isa't-isa that I feel insecure sa mga ginawa ko all my life.

At the same time ay nagseselos ako because I've never felt the kind of affection na meron sila sa isa't-isa. Hindi ko na naramdaman iyon sa mga magulang ko, nawala pa ang tito ko na syang mas nagpapahalaga sa akin.

Kaya din siguro ako nagkakaganito dahil sa nakita ko kanina.

I've found out that Liz was the daughter of Sir Chris, nakita ko kung paano pagsabihan ng ama nya na mag-iingat sa pinaggagagawa ni Liz, Rain and Dr. Warren's relationship as brothers are also admirable. Lalo lang akong nakaramdam ng inggit.

I know that I shouldn't feel this things now dahil mas marami pang importanteng bagay ang dapat kong pagtuunan ng pansin. But what I saw are the reasons para mainis sa sarili ko at makaramdam ng mas matinding galit sa mga magulang ko.

They don't care for me. Si Rain lang ang meron ako na nagpapahalaga sa akin.

Nawala ako sa pag-iisip ng may tumapik sa balikat ko, it was Sir James and he looks disappointed.

"Maybe you need someone na maaari mong makasama sa pagt-training. You can leave for now. Siguro ay bukas mo na lamang ito ipagpatuloy. I will assign Kenji to train with you." Sabi nito sa akin.

"Can't it be Rain--I mean Railey instead?" Tanong ko dahil hindi pa ako ganoon kakomportable kay Kenji, lalo na't kakakilala ko pa lang sa kanya kahapon.

"I'm sorry but Railey has an assignment na nauna ng naibigay sa kanya. Nang umalis sya ay naiwan nyang nakatengga ang matagal na nyang dapat natapos na proyekto."

Bagsak ang balikat ko sa aking narinig. I'm such a pain in the ass.

"Besides, I think you need to train yourself sa ibang tao kung saan hindi ka komportable. Goodbye for now Zoey." Binigyan nya ako ng maliit na ngiti saka nauna ng lumabas sa training room.

Napaupo na lang ako sa sahig at humiga habang nakatingin sa ilaw sa aking itaas.

I should really fix myself. I have no use. Urgh!

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon