25-Rain's Friends

3.7K 99 4
                                    

Natapos ang pagpupulong na iyon at kami na lang ang natitira ni Rain. Pinasyal nya ako sa buong sector at naihatid na rin nya ako sa magiging tutuluyan ko. Hindi daw nila ako pwedeng isama sa mga normal na civilian dahil alam nilang hindi magiging madali ang pakikitungo sa kanila't delikado na rin dahil baka may masaktan. Lalo na't hindi pa ako naeensayo sa taglay kong kuryente.

Inilagay nila ako sa kwarto kung saan ako lamang ang naroroon, ang kwartong iyon ay nasa loob ng mas malaking hallway kung saan naroroon din ang kwarto ni Rain, ni Dr. Warren at ng tatlong heneral, isama pa ang ilang tauhan din nila na ang sabi ni Rain ay mga kaibigan nya.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong nya sa akin.

"Anong oras na ba?" Imbes na sagutin ay tanong din ang sinabi ko dahil hindi nagana ang smart watch ko dahil walang signal.

"Mahirap malaman ang oras dito dahil nasa underground tayo pero siguro ay gabi na din sa labas." Sagot nya sa akin kaya tumango ako.

"Saan ba ang kainan dito?" Tanong ko.

"Doon sa nadaanan natin kanina. Tara? Ipapakilala na din kita sa mga kaibigan ko." Sabi nito at hinayaan ko syang hawakan ang kamay ko at nagpahila sa kanya.

Nang marating namin ang bungad ng tila  cafeteria nila ay biglang may tumunog na alarm. Not the disturbing kind of alarm pero para itong isang palatandaan. People inside the cafeteria started to stand up at inilagay ang mga kanya-kanya nilang tray sa isang bahagi kung saan doon yata inilalagay ang mga pinagkainan.

"I guess it's already 9:00 o'clock. Kapag ganoon kasing oras ay dapat nasa kanya-kanya ng mga tulugan ang mga sibilyan. And the assigned guards will do a round." Paliwanag sa akin ni Rain.

Then they all went outside, ang ilan pa nga sa kanila na kasama ang mga anak nila ay napapatingin sa akin. Some of them are giving me looks that tells me that they're afraid of me, ang iba naman ay binati si Rain na binigyan ng kaibigan ko ng simpleng tango.

"Don't they feel like being monitored? Saka hindi ba sila nagrereklamo na mala-militar ang pamamalakad dito?" Tanong ko, hindi naman ti-nake ni Rain ang tanong ko as offensive lalo na't tatay nya ang namamalakad sa Sector.

"Well, hindi naman. My father told them na kapag may hindi sila nagugustuhan ay maaari silang magsabi sa kanya ang he'll think of a way to solve it. Saka sa tagal nila dito ay pamilya na ang turingan nila. They have the priviledge to go out, pero hindi na sila maaaring bumalik pa." Sagot nito sa akin.

"Then that can be a cause dahil maaaring mabuking ang Sector diba?" Nakakunot ang noo kong tanong.

"Every family who chooses to leave the sector will be given a guard to make sure na mananahimik sila. And if the secret is already secured at nanatiling tikom ang bibig ay pinapabayaan na nila ito."

Sagot nya at ginaya ko ang ginawa ni Rain sa pagkuha ng tray saka kami kumuha ng pagkain sa may counter. Iisang tao lang ang naroroon na syang nagbabantay ng mga pagkain habang nagpupunas ng mga kagamitan pangkusina.

"Hi Bob." Bati sa kanya ni Rain

"Hello din Railey, sino naman itong magandang binibini na kasama mo?" Nakangiti nitong tanong.

He's this guy na ang edad ay tingin kong nasa 30's at himala na sigurong hindi sya mataba dahil ang alam kong karaniwang naka-toka sa kusina ay may katabaan. Hindi sa nanlalait pero iyon na ang nakagisnan. Instead, he was bulky at matangkad ito, his body is fit to be a soldier.

"Well, she's my bestfriend Zoey. Zoey, meet Bob, Bob, Zoey." Pakilala sa amin ni Rain

Binigyan ko naman ng maliit na ngiti si Bob.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon