16- Escape

3.9K 107 1
                                    

As a token of appreciation for adding this story on your reading list. This chapter is dedicated to you rainyavio

Thank you!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Rain left the next morning para umuwi sa bahay nila. He said we'll go to his father mamayang hapon.

Ako naman, dahil napansin kong wala na akong stock sa bahay ay naisipan kong lumabas na muna para mag-grocery saglit. I changed my clothes at minabuting maglakad na lang patungo sa grocery store dahil malapit lang naman.

One thing that I liked about me, being a castaway child. I can do whatever I want.

Ang huling pagkakataon na nakausap ko ang mga magulang ko ay noong nakikiusap pa ako sa kanila na huwag akong iwan mag-isa. That I am not who they think I am. That they are my parents kaya dapat ay mas protektahan pa nila ako imbes na ikahiya't ilayo na para akong may malubhang sakit.

Simula noon ay kinamumuhian ko na sila. That time I thought, kung kinalimutan nilang may anak sila, kakalimutan ko ring may mga magulang akong tulad nila. The money they put on my bank account every month ay walang-wala sa sakit na idinulot nila.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa grocert store. Pumasok ako doon at kumuha ng cart saka sinimulang mamili. Lagay lang ako ng lagay sa cart ko, I'm not the one who's paying anyway.

After kong mamili at dala-dala ang dalawang plastic bag sa magkabilang kamay ay nagsimula ulit akong maglakad pabalik sa bahay, but I stopped my tracks nang huminto sa tapat ko ang isang itim na fully tinted na kotse. Bumaba ang bintana nito and there, sitting inside at the back of the car was the man behind the spying.

Napakabilis talaga ng mga pangyayari sa buhay ko, kahapon lang ng malaman ko ang lahat-lahat ng kasakimang pinag-gagagawa nya.

Nakangiting mukha ang binungad nya sa akin na sinuklian ko ng seryosong mukha. I don't have a time to smile in my shitty life.

"What do you want?" Seryosong tanong ko.

"Why don't you come in here so we can talk properly Ms. Kione?"

Agad namang tumaas ang isa kong kilay sa sinabi nya.

"Why would I do that when you were the one whose spying me all along??"

Napataas ng bahagya ang tono ng boses ko, naikwento na rin kasi sa akin ni Rain ang nangyari nang magpunta kami sa District 10. Yung nakabunggo kong lalaki na tinangkang kabitan ako ng recorder na may kasamang tracker.

"Oh...well, come on Ms. Kione, you wouldn't want everyone coming out of that store to hear about you right? Don't worry, we will not leave this place and we will just have a private talk."

Nagaalangan pa ako noong una, but true enough, he told his driver to get out of the car as well as his two bodyguards na kasama nya sa loob ng kotse.

One of his men made a gesture for me to come in. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok and they closed the door immediately saka humarang sa may pintuan. That move made me nervous for awhile pero narealize kong hindi ko ito dapat ipahalata lalo na at maari itong gamitin laban sa akin. I should stand on my own this time.

"So Ms.Kione, or Zoey if I may? Alam mo na naman siguro na minamatyagan ko ang bawat galaw mo. I wouldn't deny that lalo na't alam na naman na ng kaibigan mo." Sabi nito sa akin.

"Then why are you spying me?" Seryoso kong tanong.

Itinaas pa nya ang kanyang hintuturo na parang may bigla syang naisip.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon