1-Zoey Kione

10.7K 278 22
                                    

Dedicated to mzPasawayxiii

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

Masyado ng advance ang technology ng bansa ngayon. Some of the gadgets na nakikita ko ay ginawa ng tito ko dati, somehow I miss him. Sya lang kasi ang nakakakwentuhan ko noon. My parents were always busy.

Nakakalungkot lang at wala na sya ngayon. Wala na din sila ngayon

"Zoey!" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. It was Rain, kaibigan kong lalaki.

"Oh? Bakit? Kokopya ka?" Tanong ko sa kanya. Namula naman ang tenga nya at napakamot aa batok.

"Hindi ah! Tara na, malalate pa tayo!" Sabay higit nya sa akin sa manggas ng uniform ko.

Railey Noel Alcaraz or Rain as I call him. Ang nag-iisang kaibigan ko sa school. Hindi sa wala akong mga kaibigan, in fact kasundo ko halos ang mga kaklase ko. I'm not the weird and silent freak type dahil magiliw ako. That way, I can hide my secret better. Kaso, ilang din sila sa akin dahil hindi ko sila hinahayaan na mahawakan ako.

Rain doesn't know anything, basta nandyan lang sya para sa akin kapag alam nyang inatake ako ng so-called "syndrome" ko.

Bago naman kami makapasok sa room ay may kumuhit sa likod ko. Napapikit naman ako ng mariin.

Pasalamat kang kung sino mang kumuhit ka na may cloth ang nahawakan mo at hindi ang bare skin ko.

The thing is, people can't touch me sa mismong balat ko or else ay magg-ground sila. Kaya ang uniform ko ay halos doble ng laki sa normal size ko dahilan para masabihan ako ng iba na boyish or manang.

Anyway, pagtalikod ko ay nakita ko ang tinatawag nilang isa sa heartthrob ng school.

"Uhmm..Hi Zoey, I just want to ask kung pwede ka mamaya after school." Nahihiyang tanong nya sa akin. I just gave her a bored face and answered him with a straight..

"No." Saka ako pumasok at nakasunod naman sa akin si Rain matapos sabihan ng "next time na lang pare."ung nag-alok sa akin kanina.

Boyish? Manang? Psh. Maganda naman. Hindi sa nagyayabang pero magyayabang na nga. Maganda ako, balingkinitan, maputi at matangkad. Pwede ng pangbeauty queen pero pinaubaya ko na yun sa class muse namin. Hehehehe.

Inilabas ko na ang physics notebook ko at ibinigay kay Rain.

"Oh, ayan na po. Kopya na." Sabi ko sa kanya. Pabiro nya akong inirapan at kinuha ang notebook ko.

The thing is, nakahiligan ko na ang physics pero hindi ako magaling. I don't have any choice kundi pagaralan iyon dahil Physics ang pinakaclose na subject na makakatulong sa akin for my hidden ability.

Inilabas ni Rain ang notebook nya sa Analytic Geometry at ibinigay sa akin.

"Oh, ayan na din po. Kopya na." Saka nya ako binigyan ng boyish smile na kinakikiligan ng karamihan sa school namin.

Rain is a math geek, kaya palitan lang kami. Magaling din sya sa physics pero tinatamad daw sya-as what he says kaya kumokopya na lang sa akin. Sya yung tipo na boy next door ang charm na meron sya kaya marami sa mga kaklase at schoolmates namin ang may gusto sa kanya.

It doesn't change his attitude towards me though. Simple lang sya at makulit. Matanong and I know he is smart enough para mahalata na may hindi normal sa akin. I just think it's not yet the right time to tell him dahil ayokong layuan nya ako. Ayokong matakot sya sa akin like my parents.

They thought of me as a freak. And that night made me think of myself as one. Binukod nila ako, inilagay sa isang bahay na mag-isa. They put money on my bank account and let me live on my own. No communications, no hi and hello's, it was like they never had a child.

But I lived my life the way it was, ung normal, ung parang hindi ako nasaktan sa ginawa nila, ung kunwari masaya at hindi ako isang taong naglalabas ng kuryente sa mga kamay. Yung tipong hindi ako isang lethal freak na naglalakad at nagkakape lang sa mga coffee shops.

"Huy! Tulala ka dyan?" Napahawak ako sa noo ko at napatigil ng may marealize ako.

Nanlalaki ang mga matang tinignan ko si Rain na nasa harap ko.

"Ikaw ba ang pumitik sa noo ko?" Gulat kong tanong sa kanya habang hawak pa rin ang noo ko.

Mukha naman syang nawiweirdohan sa akin pero agad napalitan ng pag-aalala.

"Oo. Bakit? Masakit ba?"

"No...no...h..hindi.." nasagot ko na lang saka naupo sa assigned seat ko.

"Ikaw? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" Nag-aalala kong tanong kay Rain.

"Wala naman. Bakit?" Sagot nya sa akin at naupo na rin sa upuan nya.

"Wala...wala naman."

But still, bakit hindi sya nasaktan ng mahawakan nya ako?

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon