As a token of appreciation for voting this story. This chapter is dedicated to you.
HotmelanieThank you!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakatiim ang bagang ni Rain na pilit kong pinapakalma. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit nya sa SkyTech pero hindi ko naman sya pipilitin na magkwento sa akin gayong hindi pa sya handa.
Hindi makwento si Rain pagdating sa pamilya nya. I didn't even knew na may kuya pala sya. Hindi ko din alam kung anong ginagawa ng mga magulang nya, if it's okay para sa parents nya na every weekends ay lagi ko syang kasama. What he does when he's not with me.
What his parents looks like or if they know my existance sa buhay ng anak nila.
Kaya ganoon na lang ang gulat ko ng mag-kwento sya bigla.
"My mom died when I was seven years old. She was shot when she tried to protect me. Namamasyal kami noon, then there were robber men na nagtangkang kuhanin ang bag nya. I don't know what was in that bag that they were eager to get it. Pero nakuha pa rin nila ito and left us."
Wala akong nagawa kundi yakapin sya mula sa gilid. That was too cruel!
"My dad was working that time. He was the captain of the country's army at nalaman ko lang na kaya pala gustong makuha ang bag noon ni mama ay dahil natunugan ng mga taong nasa likod ng pagnanakaw ang latest project nya. Sising-sisi si dad noon, dahil dapat pala ay hindi na lang nya ito ipinatago kay mom. But it was too late."
Napansin kong pinunasan ni Rain ang luhang pumatak mula sa mata nya and I did the same with mine dahil hindi ko lang ma-take na ganoon pala ang kwento ng mga magulang nya.
"My father was too mad that time, ninais nyang labanan at gantihan ang taong nasa likod ng pagnanakaw na iyon. But he loss someone again and that was his bestfriend." Tinignan ako ni Rain matapos nyang sabihin iyon.
"Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan ng mga magulang mo. Pati rin ikaw. Pero bakit mo kinukwento sa akin ngayon to Rain? I know it's too hard for you and I will understand kahit hindi mo na gawin pa ito." Paliwanag ko sa kanya.
Then he became serious pero naroron pa rin ang lungkot. I don't know. There were too many emotions in his eyes.
"Because you need to know Zoey. You need to know where it all started."
"Ang alin? Anong kailangan ko pang malaman?" Tanong ko dahil bigla akong naguluhan.
Kanina lang ay nalaman naming may nags-spy sa akin using a teddy bear and now this?
Napabuntong-hininga si Rain saka ako hinarap ulit.
"Conner Heinz was the one who stole my dad's project plan. He used that and created it using his own manpower. Dahil nakita ng General noong mga panahon na iyon ang efficiency ng device na iyon para panlaban at gamit sa parating na gyera. Conner Heinz used that opportunity para maibenta sa kanila iyon kapag natapos na ang project."
Tila na-blangko ang utak ko sa aking narinig. Parang unti-unting nabubuo ang isang puzzle sa utak ko and it looks like Rain have read my mind.
"The project failed. My father's bestfriend who was Conner Heinz' Team Leader sa pag-gawa ng proyektong iyon ay namatay and it was...it was...."
Tila nahihirapan na sabihin ni Rain ang sumunod sa kanyang pangungusap. Ganoon na lang ang paglunok ko at pagpipigil ng luha dahil alam ko na kung sino.
Pero hindi ko pa rin napigilan ang paglandas ng aking luha sa mata.
"It was my uncle. Tama ba?" Pagtatapos ko sa dapat ay sasabihin ni Rain.
Sa pagtango nya ay doon na ako tuluyang napaiyak. Naalala ko na naman ang kaganapang iyon na pilit kong kinakalimutan, pero hindi, kahit kailan ay hindi ko iyon makakalimutan dahil ang buong pagkatao ko ang patunay na nangyari ang malagim na bahaging iyon ng buhay ko.
"You knew from the very start that I was in there did you?" Puno ng pait na tanong ko kay Rain.
Maybe because of frustration, sadness, anger na nararamdaman ko kaya ko naibubunton sa kanya. Pero hindi ko din yata matatanggap na kaya nya lang ako kinaibigan ay dahil sa ako ang bunga ng bagsak na eksperimentong iyon.
"No. Hindi ko alam not until I heard my father and my brother talking about a child who was involved sa pagsabog na iyon. We don't who you are, and I swear that I became your friend because I wanted to be with you and not because someone told me to."
Napansin ni Rain na nanginginig ang mga kamay ko kaya hinawakan nya ito ng mariin at pinatingin ako sa kanya.
"Alam....alam ba nila na may taglay akong?...." nanginginig ang labi na tanong ko dahil sa pag-iyak.
"No. They don't. Pero siguradong nasabi na ni kuya kay dad nang ma-ospital ka. You don't have to worry Zoey, hindi sila masasamang tao. We're here to protect you, I'm here to protect you. Bukas dadalhin kita sa kanila para maipaliwanag pa nila sayo ang lahat."
Tumango na lang ako at hinayaang yakapin ako ni Rain. Kahit papaano ay kumalma na ako.
"Conner Heinz already did a move on spying at you kaya we need to move too. I admit that my borther told me to guard you dahil nga hindi namin alam ang balak sayo ng Heinz na iyon." Dagdag pa nya.
Umalis ako mula sa pagkakayakap ni Rain and as I looked at his eyes ay nakita ko doon ang determinasyon na maprotektahan nya ako.
I hope I was seeing things right.
BINABASA MO ANG
Accidentally Charged [COMPLETED]
Science FictionZoey is not an ordinary girl. Mararamdaman mo sa kanya ang sparks when you touch her. LITERALLY. Not because of feeling inlove but because she possess a power that no one knows except her. Join her as she unravel her capabilities and her life as a...