5- Pageant

6K 170 2
                                    

As a token of appreciation for adding my story on your reading list. This is a chapter dedicated to you :)

======================================================================

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Inihatid ako kagabi ni Rain sa bahay ko matapos naming mamasyal kahapon.

Napangiti na lang ako ng maalala ko ang mga sinabi nya kahapon. Agad akong bumangon at nagbihis para sa pagpasok. Paniguradong late na ako dahil 7:00 o'clock na ng umaga, sa ikatlong subject na lang ako papasok. Hehehe.

Hindi naman kasi ako masipag mag-aral, pero sinisigurado kong naipapasa ko ang lahat ng subject kapag major exam. Pero sadyang may mga teacher na gusto ay maganda ang bilang ng attendance mo tulad na lang ng sumalubong sa akin pagpasok ko.

"Good Morning class." Bati sa amin ni kalbo. Or si Mr. Pascual, ang MAPEH teacher namin.

"Good morning sir." Sabi namin at naupo ulit.

"Nalate ka ng gising no?" Bulong sa akin ni Rain na katabi ko.

"Oo. Hehe." Sabay ngisi.

"Ms. Kione, napakaaga mo pa para sa break time." Pagbaling sa akin ng kalbo naming teacher. Bakla naman,tss. Marami ang naiinis sa kanya at pinaplastic na lang sya ng ilan sa mga kaklase namin dahil napaka-gastos nya sa subject na ito.

Palagi syang may pa-project at kailangan ay sa kanya ka bibili ng art supplies. Kaya rin siguro mainit ang ulo nya sa akin ay dahil hindi nya ako nagagawang mapabili sa kanya.

"Hindi pa po ako nagugutom kaya pumunta muna po ako dito." Bulong ko pero narinig nya ata kaya inirapan nya ako.

"Anyway, dahil nalalapit na ang foundation week at ako ang na-assign bilang coordinator sa gaganaping pageant, kailangan ng dalawang representative sa klase nyo."

Mahabang paliwanag nya. Sus! If I know kinuha nya talaga ang assignment na yun.

"So, Ms. Kione inaatasan kita para--"

Agad ko ng pinutol ang sasabihin ni sir. Alam ko na yun eh.

"Sir naman, hindi ako pwede sa mga pageant pageant na yan. Masyado na po akong pasa sa standards ng pagiging isang beauty queen kaya iba na lang ang kunin nyo." Mahangin na sabi ko dahilan para mapatawa ang mga kaklase ko.

Inalis naman sa pagkakatiklop ni sir ang pamaypay nyang kulay pink at nagpaypay habang nakacross arms.

"Loka! Sinabi ko bang ikaw ang ipanlalaban ko? Malamang ay ang class muse nyo! Ang manang manang mong manamit tapos ikaw ang ilalaban ko?"

Lalo naman natawa ang mga kaklase ko, isama na si Rain. Binatukan ko nga.

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Pero hindi ako nahihiya, alam naman nila na nagbibiro lang ako at gusto ko lang talagang inisin ang teacher kong kalbo.hahaha! Lagi naman pati kaming may show nitong teacher ko bago magsimula ang klase.

"Oo nga sir! Yun nga ang ibig kong sabihin!" Sagot ko na lang.

"Hmp! Well, ikaw ay inaatasan ko para gunawa ng props nila kasama na ang buong klase. Ikaw ang mamuno dahil kapag pumalpak ang costume ng dalawang representative nyo ay automatic na 75 ka sa project!"
Mataray na sabi nya sa akin.

Napatayo naman ako.

"Sir! Bakit ako lang ang magkakaroon ng 75?? Pano kung hindi ko naman kasalanan na pumalpak ang costume na yun?" angal ko.

"Basta! Siguraduhin mong maganda ang kalalabasan ng gagawin nyo. Dapat ay kakabugin ang ibang section, kung hindi......."

Napalunok kaming lahat ng inalagay ng bakla naming teacher ang kamay nya sa may leeg at iminwestra na hiniwa ito.

Pwede na bang kuryentehin to? Ang dami nyang arte eh.







"Anong gagawin ko???" Napayuko na lang ako sa mesa at inuntog ng paulit-ulit ang ulo ko sa mesa.
Break time na namin at nasa canteen kami ni Rain.

"Yan kasi, inasar-asar mo pa si kalbs. Yan tuloy." Asar sa akin ni Rain habang busy sya sa pagkain ng kwek-kwek nya.

Inagaw ko naman ang isang piraso na dapat ay kakainin nya at pumalumbaba sa mesa.

"Oy! Akin yun eh. Ano ng plano mo nyan?" Tanong nya sa akin. Nginunguya ko pa rin ung kwek-kwek saka nilunok at uminom sa coke nya.

Napailing na lang sya sa ginawa ko. Sanay na naman sya sa akin. Kung meron man na nagbago ng malaman nya na may kaabnormalan ako, iyon ay mas lalo pa kaming naging close sa isa't-isa.

"Psh. Hindi ko alam. Kung pwede nga lang na kuryentehin yung si kalbs ng---" napatigil ako sa pagsasalita ng may pumasok na ideya sa utak ko.

Agad akong napatayo at napapalo ang dalawang kamay sa mesa dahilan para mapatingin sa aming ang mga tao sa katabing mga mesa.

"Ba't ka naman bigla-biglang----"

"Oooooohhhh.....you are a genius Zoey. Bwuahahahahahhaahhahahaha!" Mukhang baliw na tawa ko pa.

"Anong----" hindi ko na pinatapos pa si Rain ng hilahin ko sya patayo at palabas ng canteen.

"San tayo pupunta? Anong meron?" Takang tanong nya habang natakbo kami.

"Boy, we are going to make the clouds real mad. I mean, REALLY mad." Ngisi ko pa.

"This is gonna be awesome~~~" pakanta ko pang sabi.

Humanda ka kalbs. Sisiguraduhin kong 100 ang grade ko sa project.bwuahahahahahah!

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon