Patingin-tingin ako sa aking likod, tinitignan kung nasundan ako ng mga humahabol sa akin. Sa nakita kong logo na nakadikit sa kanilang sasakyan, hindi ito mga parte ng kapulisan kundi tauhan mismo ng SkyTech.
I know for sure na hindi pa tapos sa akin ang Conner Heinz na iyon. Nang makita kong natakasan ko na sila ay agad akong tumakbo papunta sa lugar na unang pumasok sa isip ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa katawan ko dahil tila ang bilis ng kilos ko. I am not even the athletic type pero kung tumakbo ako ay tila isa akong runner. Pinagkibit balikat ko na lamang iyon.
Napahinto ako sa tapat ng pambatang playground malapit sa border ng district one papunta sa district two. Hinihingal man ay agad akong napaiyak sa nakita.
There, sitting on an empty swing was Rain na tila kanina pa balisa. Agad syang tumayo at tumakbo papunta sa akin nang makita nya ako saka mahigpit na niyakap.
Ganoon na lang ang hagulgol ko sa ginawa nya. Kasi finally, after being on the run, nakaramdam ako na safe ako sa kanya. Na nasa ligtas na ako kahit papaano kasi kasama ko na sya.
"Shh....I'm here. I'm here Zoey."
Kumalma ako sa sinabi nya, it's a good thing na hindi nya sinabing okay lang ang lahat because everything's not okay. My life is a mess but I'm glad that he's here. That I have Rain with me through all of this.
Umalis ako mula sa pagkakayakap nya ng medyo kumalma na ako saka sya pinalo sa dibdib at tuluyan ng napaiyak ulit.
"Nakakainis ka! Akala ko talaga iniwan mo na ako sa ere!....pasalamat ka naintindihan ko pagkatapos kung anong ibig mong sabihin! Kainis!" Saka ko sya pinalo ulit ng naka-kamao ang kanang kamay.
Alam kong masakit dahil napapangiwi sya pero niyakap na lang nya ako ulit at tinawanan saglit.
"Ano bang sabi ko? Always trust your instinct diba? Saka kahit ano pang mangyari, nandito ako Zoey. Ginawa ko lang iyon dahil siguradong may nakikinig na sa usapan natin ng mga panahong iyon. If I was going to say the exact location, they'll be here before you do."
Oo alam ko. Narealize ko iyon matapos ang ilang minutong narinig ko ang sinabi nya.
Everything he said was the things I said to him noon. Noong hindi ko pa gustong buksan ang mundo ko sa ibang tao. I was mad at people before, sa mga tao ko ibinunton ang galit ko sa mga magulang ko. And Rain, being himself ay kinulit-kulit ako na nakarating kami sa playground na ito.
I said horrible things to him, at iyon ang mga sinabi nya kanina. Now I know how it feels na masabihan noon pero I am blessed na nag-stay pa rin sya sa tabi ko.
The things he said awhile ago was his code to make me come to this place. Sa playground kung saan nagsimula ang lahat, ang pagkakaibigan namin.
"I'm glad you're okay. Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong ni Rain sa akin habang hawak ang magkabilang pisngi ko at tila iniinspeksyon ang aking mukha.
"Oo, pero nakatakas ako at hindi naman gaano. In fact, ako pa yata ang nakasakit sa kanila and it fears me Rain. Lalo na at first time kong makita iyon na lumabas mismo sa akin." Sagot ko sa kanya pero binigyan nya lang ako ng ngiti.
"Buti naman. It's okay to defend yourself Zoey and don't be scared of yourself because you don't know what your capable of." Sagot nya sa akin saka tumingin tingin sya sa paligid.
"Lumiliwanag na. Let's go at any minute ay siguradong maghahanap sila banda dito." Kinuha na nya ang bag na bitbit ko at sya na ang nagdala.
"Saan naman?" Kunot ang noo kong tanong.
"To my home. Sector 56." Nakangiti at maaliwalas na sagot nya.
I just shrug my shoulder at humawak sa kamay nyang nakalahad.
I don't know what kind of place is that because I've never heard of it pero as long as Rain's with me.
I'm good.
BINABASA MO ANG
Accidentally Charged [COMPLETED]
Science FictionZoey is not an ordinary girl. Mararamdaman mo sa kanya ang sparks when you touch her. LITERALLY. Not because of feeling inlove but because she possess a power that no one knows except her. Join her as she unravel her capabilities and her life as a...