As a token of appreciation for adding this story on your reading list, this chapter is dedicated to you. RyanNatividad5
Di ko alam problema ni watty dahil hindi ko mai-dedicate ng maayos pero anyway. Thank you!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Ladies and gentlemen, please welcome the candidates for Mr.and Ms. Campus!"
Palakpakan ang sumalubong sa paglabas ng mga candidates ng bawat section.
Bawat year kasi ay dalawa ang kasali. Dalawa sa first year, second year, third year at sa amin na seniors. Ang tangi ko lang namang tututukan ay ang sa participants namin na sina Lauren at Bien. Sigurado kasi akong hindi magiging mahigpit na kakompitensya ang mga lower years.
Ang mahigpit na kalaban ay ang asungot na katabi ko ngayon. Tss.
"Siguro ay nabasa nyo na naman ang magiging flow ng pageant na ito. Kaya, ano pang hinihintay natin? Let the show begin!" Hiyawan at palakpakan ulit ang sinalubong ng mga estudyante sa sinabi ng host na walang iba kundi ang bakla naming teacher. Psh.
Hayyy... feel na feel nga naman ni kalbs. Akala nya yata sya ang tv host at comedian na sikat noon.
"We have three judges, first is Mrs. Andrea Choi, our beloved principal, sumunod ay ang ating butihing head ng District One Department of Arts and Films na si Mr. Helio Levin, and last but not the least, our very own Minister of District One, Mr. Alexander Strark. Please give them around of applause." Nagpalakpakan naman ang mga tao, samantalang saglit na tumatayo ang mga binanggit ni kalbs na tao at kumakaway saglit.
Bigatin pa pala ang mga kinuha nilang judges. Sa lahat ng mga pangalan na binaggit, pinaka naging maingay ang mga estudyante lalo na ang mga babae ng banggitin ang pangalan ng Mayor ng Ministry of District One.
Bata pa kasi ang Alexander Stark na tingin ko ay nasa 25 to 30 ang edad. A bachelor pero kilala namang playboy daw. Kilalang matinik sa babae at malakas ang charms kaya siguro naging dahilan ito para mapunta sya sa kanyang pwesto.
"I am very sure Zoey that you will fail this night." Confident na sabi sa akin ng asungot na katabi ko na walang iba kundi ang anak ng tatay nya na si Gregory Heinz.
Taimtim lang naman akong naka-crossarms habang nakatingin sa harap kung saan in-announce na ang magiging totoong laban, habang ang karamihan ay nagulat at nangamba lalo na ang mga lower years, ako naman ay napapairap na lang sa katabi ko.
"Huwag mo nga akong tawaging Zoey dahil hindi tayo close! And I'm sure too na ikaw ang matatalo at hindi kami." Masungit na sagot ko dito.
"Well then, how about Selina? Nga pala, nakita ko kanina ang gawa nyo, I think dapat mas nilagyan nyo ng effort ang pang-background props nyo." Mapang-asar na sagot naman nya.
"Aba't! Can you do me a favor?" Nagtitimpi kong tanong. Ayoko ngang gumawa ng eksena dito.
"Yeah?"
"Leave me alone and shut up 'cause I don't need your help!" Inis na sabi ko pa.
Tumawa lang naman sya na tipong may nakakatawa sa sinasabi ko.
"Well, if that's what you want. But I'm sure one day you're gonna regret saying those words to me."
Kung kanina ay tumatawa sya ng mapang-asar, ngayon naman ay seryoso sya, tila nakikini-kinita na nyang magkakatotoo ang mga sinabi nya. Umalis sya sa kinalalagyan nya after saying those words, ako naman ay naiwang nag-iisip pero nawala iyon ng dumating si Rain.
BINABASA MO ANG
Accidentally Charged [COMPLETED]
Science FictionZoey is not an ordinary girl. Mararamdaman mo sa kanya ang sparks when you touch her. LITERALLY. Not because of feeling inlove but because she possess a power that no one knows except her. Join her as she unravel her capabilities and her life as a...