23- The Survivors

3.3K 94 4
                                    

Naalis ang tingin ko sa mga taong kaharap ko ng bumukas ang pinto ng opisina ng Chief.

Rain's father insisted to call him that dahil hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya noong una and Mr. Alcaraz was too formal for him.

Anyway, pumasok ang tatlong tingin ko ay ka-edaran ni Chief. Hindi ko alam kung anong mararamdaman, tingin ko kasi ay sila ang mga taong kanina ay nabanggit ni Chief na katulad ko ring nakatanggap ng side effect.

Am I gonna party now? Ngayong hindi pala ako nag-iisa sa makabagong mundo na ito? Nothing's impossible nowadays, pero ang katulad ko na may kuryenteng inilalabas mula sa mismong katawan at ang tatlong taong nasa tabi ko ngayon na maaaring kapareha ko ng abilidad ay hindi pa rin normal para sa lahat.

But seeing them and even though I have Rain with me, lalong tumatag ang pakiramdam ko na hindi ako nag-iisa.

"Zoey, I want you to meet Mr. Jones, Mr. Mendez and Mr. Ford. And she's Zoey, codename: Zeus."

Pagpapakilala ni Chief sa amin habang tinuturo nya isa-isa ang mga ito.

"Nice to meet you hija, pero tawagin mo na lamang akong Sir." Nakangiting pahayag ni Mr. Mendez ayon na din sa pagkakaturo sa kanya ni Chief kanina.

Pero siniko sya ni Mr. Ford at tinapik ang balikat nito.

"Masyado ka namang pormal Ric, hija, just call us Tito, tutal ay pamilya naman tayo dito. I-apply mo na lang ang sinasabi nitong kaibigan ko na 'Sir' kapag seryosong usapan na."
Magiliw na sabi nito at tumango naman ako.

Pero agad akong napatingin sa ipinakilala kanina ni Chief na si Mr. Jones. He looks serious pero agad namang naging malambot ang tingin nito.

"Nice to meet you Zoey, ang laki mo na. I remembered that I saw you that time na pumuslit sa laboratoryo pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin dahil masyado akong abala. Ngunit dapat pala ay pinaalis na agad kita noon para hindi mo tinataglay ngayon ang isang bagay na hindi dapat nasa sa iyo."

Ngumiti na lang ako ng mapakla.

"Wala pong may gusto ng nangyari....sana nga po ay naibabalik ang oras para hanggang ngayon ay kasama ko ang mga mahal ko sa buhay."

Natahimik silang lahat. Alam kong alam nila kung sino ang tinutukoy ko dahil iisang tao lamang ang nasa isip namin na nawala sa nangyaring pagsabog na iyon.

Minabuti kong ako na ang bumasag sa nabuong katahimikan at tinignan sila ng kuryoso.

"Gusto ko lang pong malaman. Katulad din po ba ng kung anong meron ako ang sa inyo?" Tanong ko sa tatlo na nakaupo na ngayon sa harapan ko. Pero bago sila magsalita ay nauna na si Chief.

"Ipagpaumanhin mo sana Zoey pero kailangan kong umalis saglit dahil may aasikasuhin muna ako. Ang mga anak ko na ang bahalang magpaliwanag ng mga natitirang bagay na dapat mong malaman. As well as the generals." Pagtukoy nya sa tatlo.

Tumango naman ako at umalis na rin sya sa loob ng silid.

Napansin naman nilang nagtataka ako ng tinawag ni Chief na heneral ang tatlo kaya ipinaliwanag nila ito.

"Kami ang nagsilbing heneral sa bawat division na meron dito sa Sector 56. Si Warren naman ang head doctor ay sya ang umaasikaso sa aming tatlo at well, huwag naman sana, ngunit kasama ka na duon kapag may nangyaring hindi maganda at kailangan ng lunas." Paliwanag ni Sir Ric( Mendez)

"May tatlong division ang sector Zoey, ang una ay ang weaponry department, pangalawa ay ang healing department at ang ikatlo ay sa strategic department kung saan nabibilang na doon ang mga sundalo ng ating Sector." Paliwanag sa akin ni Rain.

Napatingin naman ako kay Sir James (Ford) ng magsalita sya.

"Kanina ay tinanong mo kung parehas tayo ng acquired side effects hindi ba?"

"Opo." Iyan lang tangi kong naisagot dahil sa dami ng ipinapasak ko sa utak ko ngayon.

"Well no. I acquired magnetism kaya ako ang head sa weaponry department. Doon ko ito mas nagagamit so Chief assigned me there."

Gusto kong mamangha sa kung ano ang meron sya. Atleast hindi sya nakakasakit ng tao kapag hinawakan agad, unlike me.

Sir Chris (Jones) ang nagsalita at ipinaliwanag naman nya sa akin ang kanya.

"Well, mas subtle ang akin. Ako ang head sa healing department at kami ang magkatulong ni Warren. Mahirap ipaliwanag but see it this way. Imagine me as a walking x-ray machine. That's the kind of explanation I can give."

"Sila din ni kuya ang gumagawa ng mga gamot na makakatulong sa mga nagkakasakit sa Sector. Kinakatulong naman nila ang weaponry department para makagawa ng mga medical equipment, that's why Kuya Ren was able to hold you too for safety precusions." Paliwanag ni Rain sa akin.

Napatingin naman ako sa kuya nyang doctor na tahimik lang na nakikinig sa maikling usapan ng tatlong general.

Nakakahanga lang sila. Naisip ko tuloy, kung napunta ba ako dito ng mas maaga ay may naitulong na rin ako dito? I think not, cause I was too busy crying for being left alone.

"Ako na! Ehem! Zoey, hija, ako lang naman ang pinakamakapangyarihan sa kanilang dalawa kaya sa akin ka dapat mag-focus." Biro ni Sir Ric dahilan para makatanggap sya ng batok mula sa dalawa at sinenyasan akong huwag maniniwala.

Napangiti na lang ako sa inaakto nila. Para silang mga teenagers pa rin kahit na nasa edad pang-tatay na sila.
I wonder if they were able to have kids.

"Anyway, ako ang head ng Strategic department, matalino kasi ako." Doon sya tinakpan ang bibig ni Sir Chris.

"Matalino nga itong ugok na ito pero he acquired a side effect na magsilbing isang photographer. " Paliwanag nito na ikinakunot ng noo ko.

Nagawa namang maalis ni Sir Ric ang kamay nito sa bibig nya.

"Ako dapat magsabi nun eh! Saka hindi ako photographer no! Pero un nga. Naging masyadong advance ang utak ko, my photographic memory became three times the normal. Plus! Oha~ di pa tapos yan. I can communicate through the mind, telepathy in short. Ang galing ko talaga!" Saka pa sya pumalakpak na tila proud na proud sa sarili.

Isa lang ang nakomento ko sa kung ano ang meron sila at lahat sila ay simang-ayon sa akin.

"It must be hard to live this life."

"Yes indeed. At marami pa tayong pagdadaanan. Especially you."

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon