One word that describes the place where Rain brought me to?
Awesome.
Hindi ko alam na may ganitong lugar pala na nage-exist. Metal tunnels ang bawat daanan. May nadaanan kami kanina na isang malaking hall na mukhang doon ang kainan. Nailang lang ako dahil tila takot ang mga tao sa akin na naroroon at iba ang klase ng tingin na kanilang ibinibigay.
"Dumiretsyo muna tayo sa office ng tatay ko." Sabi sa akin ni Rain at tumango na lamang ako.
Patuloy ko lamang na sinusundan si Rain, minsan pa nga ay may makakasalubong kami na binabanggit ang pangalan nya at tatango sya bilang sagot.
One thing's for sure, hindi basta-basta si Rain dito.
Huminto kami sa isang pintuan na gawa rin sa metal at kusa itong bumukas, doon bumungad sa akin ang isang opisinang napaka, well, disorganized?
Pero ang kalahati ng opisina ay maayos, dahil tingin ko ay nagsisilbi ding meeting hall ito.
Lumapit si Rain sa isang tingin ko ay nasa-40's na lalaki, matikas ang pangangatawan nito at may pagkakahawig sila ni Rain. I assume that this man is his father.
"Pa.." niyakap sya ng kanyang ama at bumitaw din ito ng makita ako.
He looks serious at the same time ay may softness ang tingin nito.
"You must be Zoey Kione?" Tanong ng tatay ni Rain.
"Uhh..Opo. ako nga po." Sagot ko naman.
"Nice to meet you Ms.Kione." sabi nito saka ako binigyan ng isang ngiti. Hindi ngiting may masamang binabalak kundi isang tunay na ngiti.
"Zoey na lang po. Nice to meet you din po..."
Napatigil naman ako ng maalalang hindi ko nga pala alam ang pangalan nya.
"Ah! Sorry. Ako nga pala si Darren Alcaraz, Supreme Commander of Sector 56."
Mabuti na lang at hindi sya naglahad ng kamay. Kaya pala kilala si Rain dito, dahil tatay nya ang namumuno sa pinakatagu-tagong lugar na ito.
Pinaupo nya ako sa upuang katapat nya at si Rain naman ay naupo sa tabi ko.
"Zoey, alam kong kararating mo pa lang pero mabuti ng maipaliwanag ko sayo ang lahat. But before that, let's wait for my eldest para mas malinawan ka." Sabi nito sa akin na ikinatango ko.
Maya-maya ay dumating ang doctor na nag-asikaso noon sa akin nang mahimatay ako. It was Rain's older brother, si Dr. Warren.
Naupo sya sa tabi ng tatay nya and opened his first two buttons at niluwagan ang necktie. Mukhang kagagaling pa nito sa ospital na pinagtatrabahuan.
"Sorry I'm late." Saka nya lang ako napansin ng makaupo na sya ng maayos.
"Oh, you're already here Ms.Kione"
Tumango na lang ako bilang pagsagot.
"So, let's start?" Pahayag ng tatay nila.
Hindi ko alam kung para saan ang pagpupulong na ito pero ang kaninang easy atmosphere ay tuluyan ng nawala.
"As you can see Zoey, ang lugar kung nasaan tayo ngayon ay ang Sector 56, it was build to protect the innocent na tinuturing ng kabilang grupo na mga traydor. When I say kabilang grupo, it means, the SkyTech. Pero dati iyon dahil hindi na kami kumukuha pa ng mga tao lalo na't ginawa na naming tago ang Sector 56."
"Kelan pa po ito nagsimula?" Mahinang tanong ko pero narinig na naman na nila.
"It started 10 years ago nang maganap ang pagsabog sa isang laboratory ng SkyTech and that's where you were made. The unexpected result of Project 1004"
BINABASA MO ANG
Accidentally Charged [COMPLETED]
Science FictionZoey is not an ordinary girl. Mararamdaman mo sa kanya ang sparks when you touch her. LITERALLY. Not because of feeling inlove but because she possess a power that no one knows except her. Join her as she unravel her capabilities and her life as a...