2- SkyTech

9.2K 212 6
                                    

Dedicated to KateDhanieleRecha

※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※※

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung bakit hindi nasaktan man lang si Rain ng mahawakan nya ako. To think na bare skin ang nahawakan nya.

Natigil lang ang pag-iisip ko ng tumigil sa harap ko ang isang school bus na nakalutang sa ere. Hindi ung lumilipad. Pero same aspect kung paano nagawa ang bullet train sa Japan, although minimal lang ang speed nya at tama lang. Sumakay ako dito at naghanap ng mauupuan matapos kong itapat ang smart watch ko sa scanner para makapagbayad ng fee.

Sa sobrang advance ng teknolohiya ay marami ng nagbago sa bansa. Lahat halos ng vehicle ay katulad nitong sinasakyan kong bus. Ang mga dating smart phone ay mga white clear rectangular plates na lang at mas magaan ito kumpara sa kinagisnang mga cellphones.

By district na din ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao ngunit ang mga kinagisnang pamahalaan at paraan ng pagtuturo ay tulad din ng dati ngunit binigyan lang ng malaking touch ng teknolohiya.

May nag-iisa at sikat na technology company na SkyTech, sila ang nagpasimula ng lahat ng mga makabagong teknolohiya, sila ang nagproduce at nagsusupply sa kung ano ang meron ngayon ang bansa. Mapa gadgets, cars and vehicle transport system, system satellite at kung anu-ano pa. Sila din ay may koneksyon sa protection team ng bansa, sa militar at mga police dahil sila ang nagawa ng mga battle weapons.

They're cool, kaya wala akong masasabing mali sa kanila. All my life ay hinangaan ko na ang SkyTech, pangarap ko ding magtrabaho doon balang araw tulad ng tito ko na namayapa na. Doon din nya binuhos ang kanyang pagseserbisyo, sayang nga lang at wala na sya.

Nang huminto ang bus sa tapat ng academy ay bumaba na ako. Nakita ko naman sa may gate ng school si Rain na tila may hinihintay.

Nang makita nya ako ay agad lumiwanag ang mukha nya at sinalubong na ako.

"Tara na! May program daw na gaganapin sa may hall." Sabi nya sa akin.

"Bakit? Anong meron?" Taka kong tanong.

"Balita ko ay pupunta daw dito ang SkyTech." Parang wala lang na sabi nya.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko.
It's the freaking SkyTech! Iniisip ko pa lang sila kanina, ngayon naman ay nandito sila?

Sa sobrang excitement ko ay yinugyog ko ang magkabilang balikat ni Rain.

"Pupunta sila dito? Bakit daw? Anong meron? Naghahanap ba sila ng mga young OJTs?" Sunud-sunod kong tanong kay Rain.

Paminsan-minsan kasi ay nagpupunta sila sa mga schools at naghahanap ng mga young OJTs na ite-train nila ng tulad sa ginagawa talaga ng mga techinicians at inventors nila. Kapag nagustuhan nila ang performance mo ay kukunin ka nila at magtatrabaho sa kanila permanently.

That's one hell of a job! Lalo na at marami ang nangangarap na mapapasok sa SkyTech. Lalo na ako!

Umirap si Rain sa akin at balak sanang kurutin ang pisngi ko, buti ay nakaiwas ako. Maigi rin na ang nahawakan ko sa kanya kanina ay yung sa may manggas ng uniform nya.
Kundi ay nakuryente na sya sa akin. Haist.

Masyado ka kasing excited Zoey!

"Hindi ko alam kung bakit mo sila hinahangaan Zoey, isa lang naman silang technology company." Sabi nya sa akin na ikinairap ko naman.

"FYI, hindi lang sila basta-basta isang technology company!" Sabi ko at nauna ng maglakad.

"Hindi talaga dahil mga gahaman din sila...." napahinto ako dahil may sinabi pa yata si Rain na hindi ko narinig.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon