"Come on Zoey, let's eat first at maligo ka muna. Maybe you stink kaya Rain excused his self." Sabi sa akin ni Kenji ng hindi pa rin ako nagalaw sa kinatatayuan ko't nakatingin pa rin sa pinagalisan ni Rain.
Agad akong napasimangot pero alam kong pinapagaan lang ni Kenji ang saloobin ko.
"I'm confuse Kenj, sabi nya patapos na yung project nya, how come he's busy? May bago bang inassign sa Alpha Team si Chief?" Tanong ko kay Kenji.
"Well, ang alam ko ay paparating na ang monthly shopping ng Sector. Kaya siguro sinisigurado ni Chief na nasa ayos ang lahat para walang pumalpak." Sabi nya saka nagkibit balikat.
"Anong monthly shopping? May mall dito?" Takang tanong ko.
Agad naman syang napatawa pero sinagot naman nya ako.
"No Zoey, what I mean is pagkuha ng food supplies at ung mga basic medical supplies sa labas." Sabi ni Kenji saka itinapat ang hintuturo sa itaas namin.
"Ang ibig mong sabihin ay lalabas kayo sa underground?" Tanong ko.
"Yeap. Pero dapat ay maging maingat kami dahil masyadong marami ang mga supplies na iyon at mahirap ng makita ng gobyerno. Isama mo pa ang SkyTech na kasa-kasama ng mga police ngayon." Sabi nya.
Ang simpleng pagkakabanggit sa SkyTech ay nagpakaba agad sa akin. Sa nakalipas na mga linggo ay nakalimutan ko sila panandalian. I forgot that I was being chased by Conner Heinz.
And the same fear rush in through me na napansin yata ni Kenji.
"Hey, relax Zoey. Kung may nagbago man sayo noon at ngayon, you are stronger now. You can protect yourself and as long as you're here. You are safe. Tara na lightning bolt. Let's eat!"
Napangiti na lang ako kay Kenji.
"Thanks Kenj." Iyon na lang ang nasabi ko at nagpunta na kami sa canteen.
~~~
After we ate ay naghiwalay na kami ng landas ni Kenji. I went to my room at naligo saka nagpalit na rin ng mas mabangong damit. Puno ng pawis ang damit ko kanina and I stink.
I went out at hinayaan ang sariling maglibot sa Sector. Puro metal hallways ang daanan and I'm sure na napakalaki nito kahit na nasa underground sya.
I was hoping to see Rain at makasalubong ko sya pero si Liz ang nakasalubong ko na kasama si Tucker.
"Hi Zoey! Whazzup?" Magiliw na tanong sa akin ni Tucker na ikinangiti ko.
"Hi." Bati naman ni Liz with her usual serious face.
"Hello. Uhmm..have you seen Rain?" Tanong ko sa dalawa.
Napakunot naman ang noo ni Tucker.
"He's not with you? Akala ko naman magkasama kayo dahil noong isang linggo pa natapos yung ginagawa nyang project." Sagot nito.
"And he was too excited to end it para raw mai-tour ka pa nya dito sa Sector." Dagdag naman ni Liz na ikinakunot na ng noo ko.
Pero agad ko iyong inalis at ngumiti. I don't know if it's real though.
"Ahh...eh may bago bang in-assign sa inyong mission? The Sector seems so busy." Sabi ko at ipinalibot pa ang tingin sa paligid kahit wala namang ibang tao maliban sa amin dito sa hallway.
"Well, yeah. Siguro nasabi na sayo ni Kenji yung sa--as what we call it---monthly shopping. Pero everything is under control kaya puro kami mga balik sa pagra-rounds at daily routine namin. The day after tomorrow pa naman un." Sagot ulit ni Tucker
Ngumiti na lang ako ng maliit sa kanilang dalawa.
"Okay. Sige. Salamat sa info." Sabi ko at tumango naman sila't nagpaalam na dahil marami pa daw silang iikutan na facilities.
I was left alone in the hallway confuse. Iniiwasan ba ako ni Rain?
May pinagdadaanan ba yung lalaking yon? Why won't he talk to me?
Inamoy ko ang sarili ko kahit alam kong bagong paligo ako. Does it really have to do with my smell awhile ago?
Nah.
I really need to talk to him. Baka may problema ang bestfriend ko ng hindi ko nalalaman.
When I turned to walk on the left corner para sana pumunta kay Chief at magtanong kung kailan nya ite-test ang skills ko ay madadaanan ang canteen na walang laman.
But no. Rain is sitting on one of the seats, his back on me and a girl leaning on his shoulders.
Dalawa silang nakaupo at nakatalikod mula sa akin. I supposed the girl was Kim dahil sa maikling panahon ay nakabisado ko na ang body physique nito. As well as Rain na matagal ko ng kasama.
I don't know why I felt something in my heart. Parang may pumiga sa puso ko with the scene I'm seeing right now. Hindi ko naman alam kung bakit ko'to nararamdaman.
The feeling is....new.
But maybe that's why he's busy.
Naiintindihan ko na.
With that I left, running away from that place.
BINABASA MO ANG
Accidentally Charged [COMPLETED]
Science FictionZoey is not an ordinary girl. Mararamdaman mo sa kanya ang sparks when you touch her. LITERALLY. Not because of feeling inlove but because she possess a power that no one knows except her. Join her as she unravel her capabilities and her life as a...