~~~~~~~~~~~~~~~~~~@-EMET-@~~~~~~~~~~~~~~~~~
Habang naglalakbay kami pabalik sa palasyo...
walang sandali akong pinalampas na di ko makausap si Ulla,
ewan ko ba, may kung anong pakiramdam kasi sa puso ko na gustong gusto
siyang laging nakakausap, kahit na nga iilang araw ko pa lang siyang nakakasama
pakiramdam ko hindi na siya isang estranghera sa akin,
para bang dati ko na siyang nakasama na hindi ko maipaliwanag...
yung pakiramdam na masaya ako........
malaya ang ang kalooban ko, komportable ang loob kong sabihing masaya ako
maging si Ulla, ramdam kong naging kampante na rin sya sa akin...
bagamat banaag pa rin sa kanya ang di maiwasang pagududa...
naiintindihan ko nman dahil na rin sa kanyang kwento na ngayon lang siya
nakakita ng ibang tao maliban sa kanyang mga magulang
at ngayon habang nandito kami sa beranda at nagpapahangin....
katulad ng mga nagdaang gabi, napakapayapa ng dapat...
" Ilang araw na tayong magkasama, bakit ni minsan hindi mo man lang
tinanong ang pangalan ko? "
kalmante lang siyang nakatingin sa dagat,
" Kamahalan, yun ang narinig kong tinawag sayo nung isang babae " - Ulla
napangiti ako...talagang wala nga siyang muwang
ipinaliwanag ko sa kanya kung bakit "kamahalan" ang tawag sa akin ng lahat ng nakasakay sa barkong ito
" Emet ang pangalan ko Ulla, at yun ang gusto kong itawag mo sa akin"
" Prinsipe Emet, tama ba? " - Ulla
napangiti ako, at tumingin na nman siya sa dagat
" Emet na lang ang itawag mo sa akin Ulla "
"M-maraming salamat sa pagliligtas mo ng buhay ko, kamahalan " - Ulla
napangiti ako....sa sandaling panahon para din siyang si prinsesa Alpa
BINABASA MO ANG
The Fire Phoenix Saga
FantasyKung isa nga rin akong prinsesa.....bakit ako nandito? bakit wala ako sa palasyo at bakit nila ako kailangang itago?? all rights reserved © September 2013 ~sassytere~
