" MABUHAY ANG BAGONG KASAL!! "
malakas na sigawan ng mga tao, habang ang iba nman ay naghahagis pa ng kanilang mga salakot o kaya nman ay panyo para magbigay pugay habang dumaan sa kanilang harapan ang karuwaheng sinasakyan ng bagong kasal
Masayang nakayakap si Reyna Hera kay Haring Dax habang pinagmamasdan ang kanyang mahal na prinsesang hindi maalis alis ang ngiti at wala pa ring tigil sa pagkaway sa kanila, gayun din nman si Emet, bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan habang hawak ang kamay ng kanyang kabiyak..
" Masdan mo silang dalawa mahal kong hari, hindi ba't nakakatuwa sila..at sila talaga ang ibinigay ng tadhana sa isa't isa "
wika ni Reyna Hera
at isang simpleng pagtango lang ang naging tugon ng hari,
papalapit na sa dambana ang karwaheng naglululan sa bagong kasal
sapagkat ngayon din nakatakdang isalin ng Reyna ang kanyang korona kay Prinsesa Alpa
pagkababa palang ng karuwahe, patakbong nagtungo si Alpa sa kanyang mga magulang
" Ina! Ama "
yumakap ang prinsesa sa reyna at hari
" Alpa "
sambit ni Reyna Hera at mahipit nyang niyakap ang kanyang mahal na prinsesa...
tunay ngang wala na ang bakas ng nangyaring labanan
tunay ngang humupa na ang lagablab ng apoy ng nakaraan
" oras na prinsesa, maghanda kna "
utos ni Hera kay Alpa
at isang seremonya ang naganap na syang lalong nagpa ingay sa buong kaharian
" MABUHAY ANG BAGONG REYNA!!! "
"MABUHAY ANG BAGONG HARI!!! "
yumukod sa hari at reyna ang bagong hari at bagong reyna ng Fire Kingdom
at muli ibinigay na ni Hera ang kanyang basbas sa bagong tapa pamuno ng kanyang kaharian
" Marami pong salamat Kamahalan, makaka asa po kayo na buong puso kong pangangalagaan at poprotektahan ang kahariang ito sa abot ng aking makakaya, kahit maging kapalit man nito ang aking buhay "
sambit ni Emet habang nakayuko ang kanyang ulo....
Kalat na ang dilim ng matapos ang pagdiriwang sa kaharian... tahimik na muli ang buong kapaligiran..
inabutan ni Haring Dax si Reyna Hera sa balkonahe, tahimik itong nakatanaw sa malayo..bakas ang lungkot sa kanyang mukha
"Mukhang kay lalim ng iniisip ng aking reyna ? "
BINABASA MO ANG
The Fire Phoenix Saga
FantasiaKung isa nga rin akong prinsesa.....bakit ako nandito? bakit wala ako sa palasyo at bakit nila ako kailangang itago?? all rights reserved © September 2013 ~sassytere~
