TFPS : Part 2

1.1K 29 5
                                        

" ang cute nyo namang dalawa "

ang sabi ni ama sa akin, ako daw ang nakatakdang maka

isang dibdib ng susunod na magiging reyna ng Fire Kingdom pagdating ng araw..

pero dalawa kayo, eh sino kaya sa inyo ? "

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~@~@~@~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"A-anong ibig nyong sabihing hindi pwedeng manatili dito sa palasyo ang isang prinsesa?"

tanong ni Reyna Hera sa mga tapat na konseho ng palasyo

" Baka naman may iba pang paraan, hindi ko kakayaning  malayo sa akin ang aking anak.. "

walang tigil sa pagiyak si Reyna Hera sa naging desisyon ng mga konseho

" A-ayoko! hindi ako makakapayag na maulit ang nangyari sa akin " - Reyna Hera

" hinding hindi ko na mapapayagan ang nangyari noon

lalo na sa aking prinsesa! " - Reyna Hera

" Huminahon po kayo, subalit kamahalan,

mapanganib para sa sanggol ang manatili dito sa palasyo " - konseho

" Kapahamakan para sa  prinsesa pag nalaman ng buong

kaharian ang tungkol sa kanya " -  Konseho

" Hera "  - Haring Dax

tumango ito bilang pagsang ayon sa sinabi ng konseho

malungkot na niyakap ng hari ang kanyang reyna...

dahil labag din sa kanyang kagustuhan ang nais mangyari ng mga konseho,

wala ng ibang paraan...

dahil isa lang ang itinakda....

at ang paglabas ng isa pang prinsesa ay hindi itinakda ng propesiya....

wala ring nasusulat sa kasaysayan ng Fire Kingdom ang

pagsisilang ng dalawang tagapag mana

isa lang ang nararapat....at ang isa ay kalabisan na

The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon