~~~~~~~~~~~~~~~@~EMET~@~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Malalayo ako ng ilang linggo sa aking prinsesa....
kagabi ipinatawag ako ng mahal na hari upang personal kong tingnan at
matiyak ang kaligtasan ng isang liblib na bayan sa hilagang bahagi ng kaharian..
isa iyong tagong isla na sakop pa rin ng kaharian
dahil nga sa masyado ng liblib ang lugar na iyon,
kelan lang napagalaman ng hari at reyna ang tungkol sa islang yun.......
at ako nga ang inatasan ng hari na personal na bumisita sa lugar na iyon...
malaki ang tiwala sa akin ng hari na itinuturing ko na ring parang tunay kong ama
at sa pansamantalang pag alis ko sa palasyo, batid kong malulungkot ang
aking prinsesa Alpa...
subalit ang gagawin ko ay para na rin sa kapakanan ng kaharian,
dahil alam kong di magtatagal bilang nakatakdang maka isang dibdib ng prinsesa,
ay ako na rin ang papalit sa pamumuno at trono ng haring Dax
habang naghahanda ako ng mga dadalhin kong gamit
sa aming gagawing paglalakbay
pag angat ko ng aking mukha...nakita kong nakatayo na sa pintuan ang prinsesa
at malungkot na nakatingin sa akin.....
wala pa rin syang imik kaya ako na ang bumasag ng katahimikang
namamagitan sa aming dalawa
" Ilang araw lang nman yun "
hindi pa rin siya tumitinag sa kanyang kinatatayuan.....
matitiis ko ba nman ang aking prinsesa.....kaya ako na ang lumapit sa kanya
iniangat ko ang mukha nya,
nakita ko ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata
" Huwag ka ng umiyak, ilang araw lang nman akong mawawala eh "
BINABASA MO ANG
The Fire Phoenix Saga
FantasíaKung isa nga rin akong prinsesa.....bakit ako nandito? bakit wala ako sa palasyo at bakit nila ako kailangang itago?? all rights reserved © September 2013 ~sassytere~
