TFPS : Part 13

845 19 3
                                        

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ULLA ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dala na rin siguro ng sobrang hapo, kahit na anong gawin ko para malabanan ang antok na nararamdaman ko, wala pa rin akong nagawa

nakadagdag pa ang mabangong amoy ng silid na ito ang talagang napakaganda ng silid na ito!

talagang pang prinsipe at prinsesa lang talaga ang ganitong uri ng silid...

at sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganito kaganda at kagarbong silid

malayong malayo sa silid na nakagisnan ko sa isla

wala na malayo na talaga ako sa isla....

hindi....wala na ang isla, kinain na ng dagat

samo't sari ang tumatakbo sa isip ko ngayon....wala na nga yata halos mapaglagyan ang iba

sa sobrang dami kong iniisip

bahagya kong ipinikit ang aking mga mata...

" Gising na prinsesa, halika..."

" magtungo ka sa silid na kinaroroonan ko...nasasabik na akong makita ka "

huh!

napabalikwas ako at mabilis na bumangon

nakaidlip ako! luminga ako sa buong paligid ng silid na yun pero wala naman ibang tao maliban sa akin

pero sino yun?

kanino galing ang boses na yun? imposibleng  kay Emet,

hindi ganun ang timbre ng boses ni Emet

ang sabi ng tinig prinsesa? sinong tinawag ng tinig na prinsesa?

ah siguro dahil lang sa pagod to! ipinilig ko ang aking ulo at saka kumurap ng madiin

bumangon na ako at saka naupo na lang sa gilid ng kama, nakatulog din pala talaga ako

unti-unti akong lumakad papalapit sa pinto...gusto kong lumabas sa silid na iyon

marahan kong pinihit ang knob ng pinto..

sumilip ako sa labas, lingon sa kanan lingon sa kaliwa..

wala akong nakitang ni isang tao sa paligid kaya tuluyan na akong lumabas...

habang naglalakad ako sa koridor ng palasyo na di ko alam

kung saan ako lalabas sa sobrang laki..

"Ulla "

napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong tumawag ng pangalan ko

The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon