TFPS : SPECIAL PART

194 4 0
                                        


NERO's POV



" Alam kong nanjan ka, bakit di ka lumalapit ? "


napangiti at bahagyang napakamot ng ulo...

kaninang kanina ko pa sya pinagmamasdan, ayaw ko lang maabala ang napakagandang tanawin na nasa aking harapan..

sa loob ng mahabang panahon, ni minsan hindi ako nagsawang pagmasdan ang kanyang kay among mukha..


tunay ngang kawangis na kawangis nya si Hera nung panahong magkatulad palang sila ng edad, subalit mas higit ang taglay na ganda ni Ulla dahil nakuha nya ang magandang mata ng kanyang ama, mahahabang pilik at mapungay na mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

tunay ngang kawangis na kawangis nya si Hera nung panahong magkatulad palang sila ng edad, subalit mas higit ang taglay na ganda ni Ulla dahil nakuha nya ang magandang mata ng kanyang ama, mahahabang pilik at mapungay na mga mata...kaya mas lalong naging maamo ang kanyang mukha


" Kung siguro isang bagay akong natutunaw, kanina pa ako tunaw na tunaw dahil sa tingin mo "


sa sinabi nyang iyon tuluyan na akong napangiti, kahit na wala syang paningin, ay naging lubhang matalas nman ang kanyang pakiramdam sa lahat ng bagay

at hindi nya lang ako miminsang naramdamang nakatitig sa kanya, kahit na nga minsan sinasadya kong malayo ang distansya sa kanya, nararamdaman pa rin nya ang aking presensya...


muli kong naalala ang bilin ng yumaong hari


" Pakaingatan mo ang ating munting prinsesa Nero, sapagkat sya ang magsisilbing balanse ng ating kaharian  at maging ng buong mundo " 


Noon yun lang ang alam ko, dahil meron syang gagampanang tungkulin kung bakit ko sya pinoprotektahan,

subalit habang tumatagal...may namuong kakaiba sa aking damdamin para kay Ulla, damdaming akala ko ay kay Hera ko lang mararamdaman, subalit mas higit ang nararamdaman ko ngayon kay Ulla, mas malalim


" Kay ganda ng sikat ng araw di ba, at kay lamig pa din ng simoy ng hangin " 


nakapako lang ang tingin ko sa kanya..


sa kabila ng kalagayan nya ngayon, ni minsan hindi ko sya narinig na nagreklamo na sya ay isang bulag na, sa halip puro positibong aura lang ang palagi kong nakikita sa kanya


at tumingin din ako sa dereksyon kung saan sya nakatingin at pinagmasdan ang unti unting pag angat ng araw


" Tama ka Ulla, napakaganda nga ng pagsikat ng araw...magkatulad kayo "


The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon