TFPS : EPILOGUE

164 3 0
                                        


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Matapos mailapag ng marahan ni Nero ang katawan ni Ulla, agad niya itong nilapitan ang pinangko, dinala nya ito malapit kina Hera, sinenyasan nya si Dax na pumalit sa pagkakalong nito kay Alpa at dagling lumapit nman kay Ulla

luhaan si Hera habang hinahaplos ang ang mukha ng walang malay na si Ulla

" Mahal kong anak "

niyakap niya ito at saka hinagkan sa noo

" Patawad kamahalan, ngunit kailangan ko ng dalhin si Ulla sa sagradong isla " - Nero

" P-pero Nero, p-panong " may pagtataka ang tinig ni Hera

bakas ang napakaraming katanungan

" Walang oras, kamahalan " - Nero

at muli kinuha ni Nero ang walang malay na katawan ni Ulla at sumakay sila sa isang Leong nababalot ng tubig at sa isang iglap ay naglaho na ang mga ito

" Hanggang sa muling pagkikita, mahal na reyna "

isang tapik ang pumukaw sa atensyon ni Hera

" Bakit parang napakalalim nman yata ng iniisip ng mahal kong reyna ? "

tanong ni Dax sa kanya...

" Habang papalapit tayo sa isla...hindi mawala at pilit nanunumbalik ang naganap nung gabing iyon "

" Huwag ka ng mabahala, mahal kong reyna..malapit na din natin syang makapiling "

simpleng tango lang ang naging sagot ni Hera

at ngayon nga ay tanaw na tanaw na nila ang ang islang kanilang pakay

isang islang malayo na sa kabihasnan....tahimik....payapa

pagkapalapag palang ng gripon na kanilang sinakyan, sinalubong na agad sila ni Nero na batid na ang kanilang pagdating sa pook na iyon

" Maligayang pagdating, Mahal na Hari at Mahal na Reyna "

nakangiting bati ni Nero sa kanila

" Nasan sya ? " agad na tanong ni Hera kay Nero

" Nandun sya, kamahalan " - Nero

itinuro nito ang isang pook sa isla kung saan malapit sa pampang ng dagat

at doon dinatnan nilang tatlo ang dalagang tahimik lang na nakatingin sa malayo

Naramdaman ni Ulla ang mga yabag na alam nyang papalapit sa kanya

kilala nya ang presensyang iyon ng mga lumapit sa kanya, bagamat hindi na nya kailaman makikita ang anyo ng kung sino man ang lumapit sa kanya, subalit kilala ng kanyang puso ang presensyang iyon

The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon