mula sa isang bahagi ng palasyo kung saan nakahimlay ang Water Lion Sword na pag aari ng namayapang si Nero
KSHH!!
CRACK!
SHCHING!
biglang nabasag ang hawlang gawa sa salamin at biglang kumilos na animo may buhay ang espada at tila alam na alam nito kung saan siya tutungo
~~~~~ ULLA ~~~~~~~
Wala na akong makita...ni halos di ko maidilat ang mga mata ko sa sobrang init ng buong paligid
lahat ay darang na sa apoy na likha ng nilalang na yun na nababalutan ng apoy
wala na akong magawa...
ano mang sandali ay lalamunin na ako ng apoy na mabilis na paparating sa akin
unti unti ko ng ibinaba ang mga braso na nakatakip sa aking mukha, marahan kong ipinikit ang aking mga mata at hinintay ko na lang ang pagtama ng bolang apoy na iyon sa aking katawan
Spash!
nanatili akong nakapikit....
subalit ilang minuto na ay wala pa ring tumatamang apoy sa katawan ko
gusto kong idilat ang aking mga mata.....dahil nkakapagtaka na bakit hindi pa ako tinatamaan ng apoy samantalahang alam ko at kitang kita kong napakalapit ng niyon sa akin
madilim....
pero biglang nakadama ako ng kakaibang katahimikan
bigla na lang naging tahimik ang paligid ko......hindi ko na naririnig ang paghiyaw ng hari at reyna
maging ang tinig ni Emet ay hindi ko na rin naririnig
wala na rin ang sobrang init na nararamdaman ko sanhi ng labis na pagkadarang sa apoy
unti unti ang naririnig ko na lang ay ang banayad na lagasgas ng tubig
tubig!!
p-paanong???!!!!!!!!
doon lang ako parang natauhan dahil panu nman magkakaroon ng tubig sa ganitong situasyon
ang labis kong pagtataka ay mas nadagdagan pa ng imulat ko na ang aking mga mata
tama nga ang narinig ko, lagaslas nga ng tubig ang naririnig ko nung nakapikit pa ako
at ang tubig na iyon ay tila ba isang napatibay na barikadang nakapalibot sa akin
at muli tiningnan ko ang prinsesa....
hindi!! hindi na siya ang prinsesa!
BINABASA MO ANG
The Fire Phoenix Saga
FantasiKung isa nga rin akong prinsesa.....bakit ako nandito? bakit wala ako sa palasyo at bakit nila ako kailangang itago?? all rights reserved © September 2013 ~sassytere~
