biglang napabalikawas at tila bigla nagising ang na nahimlay na diwa ni Ulla mula sa kawalan ng marinig nya ang tinig na iyon
at muli nanumbalik sa kasalukuyan ang diwa ni Ulla ng marinig nya ang pagaspas ng pakpak ng isa pang ibon, at hindi iyon ang kanyang kalaban
isa itong napakalaking ibon, napakagandang ibon at tila ba napaka makapangyarihan
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
at iyon ay ang reyna.......ang kanyang ina
ramdam ni Ulla ang panghihina ng kanyang katawan na halos di na nya ito maikilos pa...
wala syang magawa habang pinapanood ang salpukan ng dalwang ibon sa kanyang harapan,
walang ibig magpatalo, abo't abot ang pagpapakawala ng bawat isa ng mga dambuhalang bolang apoy
Subalit sa bawat pag atake ng itim na phoenix, tanging pag salag lang ang ginagawa ng inang reyna
"Alpa! gumising ka! ako ito ang iyong ina! "
ngunit ang tanging sagot lang ng itim na phoenix ay ang tuloy tuloy na pagbato nito ng bolang apoy
Saglit na tumigil si Alpa sa ginagawa nito na parang nag iisip ng ibang paraan para sa panibagong pag atake nitong gagawin
at ganun na nga ang ginawa ng itim na phoenix...
dumistansya muna ang itim na phoenix
at nagsimula na nitong ibuka ang mga pakpak nito, at biglang ikinampay ng ubod ng lakas
lumikha ito ng ng napakalakas na hangin na mas malakas pa sa ipo ipo
at ang lahat ng madaan ng hangin ay nagsisitumbang lahat
at muling tumigil sandali ang itim na phoenix
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.