Isang araw bago sumapit ang kaarawan ng prinsesa
abala na ang lahat sa palasyo para sa gaganaping piging
dumating na rin sa palasyo ang mga damit na gagamitin ng prinsesa
subalit lingid sa kaalaman ni Alpa, nagpahanda rin ng isa pang damit ang reyna para sa
itinuturing niyang espesyal na bisita....
personal na binisita ng reyna ang mga dumating na damit....mausui nyang inisa isa ang bawat detalye ng mga isusuot ng prinsesa, pati na ang mga desenyo at palamuting naka kabit sa bawat damit na tiniyak ng reyna na magugustuhan ng prinsesa
at nang masiguro ng reynang maayos lahat,
isang kahon ang kanyang kinuha mula sa patong patong na mga kahon ng mga damit,binitbit iyon ng reyna, dinala muna niya iyon sa kanyang silid at lihim na pinagmasdan ang damit na iyon
muli nya iyong ibinalik sa kahon nito at tila may pagkasabik itong nagtungo sa silid
.................ni Ulla
Ngunit ang pagkasabik na iyon ng reyna ay tila ba madadagdagan pa........
at ang matagal ng kutob ng reyna ay mabibigyan na ng kasagutan...
may galak sa puso ng reyna habang naglalakad ito patungo sa sa silid ni Ulla
at kahti na anong pilit ng mga dama na sila na ang magdala ng kahong bitibit nito
ipinilit pa rin ng reyna na siya na ang magdala
....para bang si Ulla ang magdaraos ng kaarawan
~~~~~~~~~~Reyna Hera~~~~~~~~~~
tok!tok!tok!
bumukas ang pinto,
" K-kamahalan,kayo po pala, magandang araw po, pasok po kayo " - Ulla
tulad ng dati kiming kimi na nman ang tinig ni Ulla
" halika! may ipapakita ako sayo at gusto ko ito ang isuot mo bukas sa piging "
di ko malaman kung ano tong nararamdaman ko, pero patuloy sa pagkabog ang dibdib ko
hindi kumikilos si Ulla at nanatili lang itong nakayuko
" Kamahalan, kalabisan na po, sapat na po iyong mga damit na ibigay ninyo sa akin " - Ulla
" halika na iha, wag ka ng mahiya,
mas mapapasya mo ako pag isinukat mo itong damit na ito "
" wag ka ng mahiya Ulla "
" S-sige po, saglit lang po " - Ulla
kinuha na ni Ulla mula sa kahon ang damit at saka siya nagtungo sa silid sukatan
matiyaga akong naghintay sa kanyang paglabas
BINABASA MO ANG
The Fire Phoenix Saga
FantasyKung isa nga rin akong prinsesa.....bakit ako nandito? bakit wala ako sa palasyo at bakit nila ako kailangang itago?? all rights reserved © September 2013 ~sassytere~
