TFPS : Part 11

825 17 4
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~@-Reyna HERA-@~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Kamahalan, nakabalik na po kami mula sa aming paglalakbay " - Emet

sinalubong namin siya ng may galak dahil nakabalik siya ng ligtas

napansin ko na kaagad ang kasama niyang babae,

nakayuko iyon kaya di ko makita ang kanyang mukha

pero bakit ganito ang pakiramdam ko,

kanina pa ako di mapakali sa kasamang babae ng prinsepe

may halong kaba, tensyon at di ako mapalagay sa kasama niya

parang gusto kong maluha, na parang gusto kong matuwa

ni halos hindi pumapasok sa isip ko ang inuuulat ng prinsesa

dahil nakatuon sa babae ang aking atensyon...

sa aking palagay ay magkatulad lang sila ng edad ni Prinsesa Alpa,

ang dami ko na agad na isip, mas payat siya kumpara sa prinsesa

tiyak kong magkakasya sa kanya ang mga pinagliitang damit ni Alpa

iyon pangsamantala lamang....

nanatiling nakayuko ang babae...

ako, bakit ganito ang pakiramdam ko...

sabik na sabik na akong makita ang kanyang mukha,

pero nanatili lang siya sa kanyang pagkakayuko

ang kanyang buhok ay bahagya pang nakatakip sa kanyang mukha

pero iba ang pakiramdam  ko....gustong gusto ko ng makita ang kanyang mukha

" Kamahalan, tunay nga pong may isla nga sa dakong iyon ng

dagat subalit sa kasamahang palad ay nilamon na po iyon

ng tubig at hindi na namin nakita pa "

bilang isang ina, nakadama ako ng habag

sa babae ng marinig ko ang ulat

kay saklap ng kanyang dinanas sa kanyang murang edad,

" May kasama po ako kamahalan, siya lang po ang

tanging natira mula sa islang iyon

siya lang po ang tanging nakaligtas sa trahedyang iyon "

tumayo ako sa aking trono at unti unting lumapit sa kanila

hindi ko inaalis ang tingin ko sa kasamang babae ni Emet

 " A-anong pangalan mo, iha? "

nag angat siya ng mukha...

halos maluha ako ng sa wakas ay nakita ko na ang mukha niya,

natukop ko pa ng dalawang kamay ko ang aking bibig

biglang nangatog ang tuhod ko...

napatingin ako sa aking asawa at tulad ko bakas din sa kanyang mukha ang pagkagulat

bagamt hindi niya iyon pinahalata

ang kanyang mukha....

nagkataon lang kaya na kawangis na kawangis ko siya.....

pero imposible...

napakabagsik ng mga alon ng gabing iyon....

imposibleng malagpasan ng isang sanggol ang bagsik

ng dagat nung gabing iyon..

pero ang kanyang mukha....

" U-Ulla po ang aking pangalan "  - Ulla

nagitla ako!!!

pero imposible yung mangyari............

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~@-ALPA-@~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi agad ako nakalapit kay Emet, nakayuko pa rin siya sa mahal na reyna at hari,

meron nga siyang kasama, isang gusgusing babae

nagngalit ang ngipin ko....

bakit ?? saan niya nakuha ang babaeng yun?

nakasimangot na ako...

di na ako mapakali, kaya eto lumapit na ako sa kanila

yumuko ako sa mahal na reyna at mahal na hari

pero ang mata ko kay Emet lang nakatuon...

naiinis ako!

hindi pa ba ako napansin? imposible naman yata!

maging si Ina at Ama...tumingin lang sa akin saglit tapos yung atensyon nila dun

ulit sa babae

naiinis na ako ah!!!

grrrh!!

narinig ko ang kwento tungkol sa babaeng yun....

ok!ok! sige na nakakaawa na ang sinapit nya!!

hmp!!

tiningnan ko rin ang mukha nung babae

narinig ko nang banggitin niya ang kanyang pangalan

Ulla hmp!

pagkita ko sa kanya....nanlaki ang mga mata ko at bigla din akong napatingin kay Ina

nagpapalit palit ako ng tingin sa babaeng yun at kay Ina

hanggang sa napako na rin ang tingin ko sa babae

kumurap kurap pa ako baka kasi namamalikmata lang ako

pero hindi...

kamukhang kamukha siya ni Ina!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

samantala,

sa isang sulok ng palasyo may isang pares

ng mga matang nakamasid lang kay Ulla,

nakangiti ito at tila nagdiriwang sa pagdating ng dalaga sa palayo ng Fire Kingdon

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon