hindi ko na kayang tagalan pa ang nangyayaring ito sa aking mga prinsesa " - Reyna Hera
Kumawala ang reyna mula sa pagkakalugmok..
maraha nyang inalis ang mga bisig ng hari na nakayakap sa kanya at unti unti siyang tumayo habang nakatingala at nakatingin sa dalawang phoenix na patuloy pa rin sa pagsasagupaan
batid ng reyna na anumang sandali ay magagapi na ng itim na phoenix ang asul na phoenix
kitang kita mula sa pagatake nito ang panghihina...
" H-H-H-Hera! " - Haring Dax
at wala na ngang nagawa ang mahal na hari sa unti unting pagbabago ng kanyang kabiyak na reyna
at sa isang iglap......
unti unti na ring nagbago ang anyo ng mahal na reyna
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
sa napakahabang panahon nag kanyang paghimlay ay muling gumising ang natutulog na makapangyarihang ibon..
ang napakalaki at pinakamakapangyarihang ibon
............ang Reyna
....ang inang reyna at ang phoenix ay muling naging isa
at pumagaspas ng napakabilis patungong himpapawid ang makapangyarihang phoenix
layon nitong mamagitan sa sagupaan ng itim at asul na phoenix
...at sa mga sandaling iyon,balot sa takot ang buong kaharian ng fire kingdom dahil sa nasasaksihan nilang labanan sa kalawakan
tatlong dambuhalang mga ibon ang nagtatagisan ng lakas sa himpapawid
ang napakadilim na gabi ay tila ba naging kasing liwanag ng umaga dahil sa taglay na mga apoy ng mga makakapangyarihang ibon
"SA AKIN!!! SA AKIN ANG FIRE KINGDOM!!!! " - Alpa
" AT IKAW!!! WALA KA NG MAGAGAWA PA! KAHIT MAGTULONG PA KAYONG DALAWA! KAYANG KAYA KO KAYONG TALUNIN! "
swiiiiikkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk!!!
at isang dambuhalang apoy ang lumabas mula sa bibig ng itim na phoenix
paulit ulit ang ginawa nyang pag atake sa asul na phoenix,at ng makita nyang paparating ang isa pang phoenix agad din nya itong binigyan ng isang bolang apoy na lumabas mula sa kanyang bibig
tila wala itong kapaguran sa ginagawa nitong pag atake sa dalawang ibon
" anak! huminahon ka... " - samo ni reyna Hera sa nagwawalang itim na phoenix
ngunit wala na ang kanyang Alpa nilamon na iyon ng kapangyarihan ng itim na ibon
wala na itong naaala man lang..
puro halakhak...malalim at maitim na halakhak lang ang maririnig mula sa itim na ibon
at ang asul na ibon wala itong ginawa kungdi salagin ang mga pagatake ng itim na ibon upang hindi iyon makarating sa kalupaan, upang wala madamay na mga inosenteng mamamayan ng fire kingdom
bahagyang tumigil ang itim na ibon sa kanyang ginagawang pag atake
bahagyang humupa ang tila naglalakihang bulalakaw na animo pabagsak sa lupa
at ang inaakala ng lahat na nakakasaksi sa mga pangyayari ay tapos na ang labanang iyon
.....subalit hindi, naghahanda lamang ang itim na kapangyarihan ng isinumpang ibon
SWIIIIIIIIKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK
ARKKKKKKKKKKKKK
KAPLASH! KAPLASH!
bahagyang dumistansya ang itim na ibon sa dalawang ibon
upang magpakawala ng kanyang pinal na pagatake
at muling ibinuka ng itim na ibon ang kanyang bunganga..
nanatili lang iyong nakabuka...at unti unti ang maliit na apoy na nasa loob ng bunganga nito
ay unti unting lumalaki
"HA!HA!HA!HA! ETO! ETO NA ANG KATAPUSAN NINYONG LAHAT! WALA AKONG ITITRA SA INYO!
SA AKIN! SA AKIN NG FIRE KINGDOM! "
" SINO KA BA ! SAANG IMPYERNO KA NAGMULA! NASAN ANG ANAK KO! IBALIK MO SA AKIN ANG ANAK KO!! - REYNA HERA
" HAHAHAHA!! AKO AT IKAW AY IISA HERA! IKAW ANG LUMIKHA SA AKIN! NANANALAYTAY SA IYONG DUGO ANG ITIM NA KAPANGYARIHAN "
" AKO ANG IYONG SUMPA! AKO AY NAGMULA SAYO "
" AT SI ALPA! SYA! SYA ANG NAGBIGAY BUHAY MULI SA AKIN! "
" SA AKIN NA ANG PRINSESA! AKO AT SYA ANG MAGHAHARI SA KAHARIANG ITO! "
"AKO! AKO! ANG PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT! "
"AKO! ANG BLACK PHOENIX!!!!!!!!! "
" BWAHAHAHAHAAHAHAAHAHAH! "
at sa nakikita ng mahal na reyna, nakabadya ang napakalaking panganib sa kanya at sa kanyang kaharian
" KUNG TALAGANG SA AKIN KA NAGMULA! PWES! AKO DIN ANG PUPUKSA SAYO! " - HERA
katulad nga ng ginawa ng itim na ibon....nagipon din ang reyna ng kanyang lakas
isang dambuhang apoy din ang kanyang sinisimulang gawin na siyang sasalag sa apoy na gawa ng black phoenix.....
" SIGE HERA! SIGE! MAKIPAGSABAYAN KA PARA TULUYANG MAWALA NA SA IYO ANG PINAKAMAMAHAL MONG PRINSESA! BWUAHAHAHAHAHA!