~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~@~EMET~@~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakakapagtaka nman...
kahit ang mga bihasang manlalangoy ay wala rin nakitang
kahit anong senyales na may isla nga sa pook ng dagat na yun...
kaya nman napagdesisyunan ko ng bumalik na sa palasyo
sa lalong madaling panahon
labis pa rin ang nararamdaman kong pagaalala sa mahal na prinsesa
Kumusta na kaya siya?
naramdaman ko na lang na tila hindi ako nagiisa ng mga sandaling iyon...
kaya napalingon ako, at hindi nga ako nagkamali sa aking pakiramdam
paglingon ko, nakatayo doon yung babae
" Kumusta na ang pakiramdam mo? "
" M-maayos na kumpara kanina, s-salamat " - kiming sagot nya sa akin
" Anong pangalan mo? saan ka nanggaling? "
sunod sunod kong tanong sa kanya
" Ulla ang pangalan ko " mahinang sagot nya sa akin
Ulla.........kakaibang pangalan
" ikinagagalak kitang makilala Ulla "
nagyuko lang siya ng kanyang ulo at parang nahihiya pang tumingin sa akin
pabalik na kami pati na ang aking hukbo sa palasyo...
napakaliwanag ng buwan at napakapayapa ng karagatan,
" Ipagpaumanhin mo Ulla kung magtatanong man ako,pero saan ka nagmula?
anong nangyari sa'yo? "
ilang minuto din bago nya sinagot ang tanong ko.......
kusang tumulo ang kanyang mga luha.....
" Wala na sina Tatang at Nanang T_T " - Ulla
BINABASA MO ANG
The Fire Phoenix Saga
FantasyKung isa nga rin akong prinsesa.....bakit ako nandito? bakit wala ako sa palasyo at bakit nila ako kailangang itago?? all rights reserved © September 2013 ~sassytere~