TFPS : Part 14

756 20 0
                                        

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ALPA~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 Naglakad ako sa pasilyo, hinahanap ko si Emet

ang sabi ng kawal nasa silid sila kasama ang amang hari....

mamaya ko na lang siya pupuntahan...yayayain ko siyang mamasyal

bigla akong napangiti...bigla akong nakadama ng labis na galak at pagkasabik

haay....para pa akong nangangarap para sa nalalapit naming pagiisang dibdib ni Emet

♥ ♥ ♥

 sa totoo lang mas excited ako dun kesa sa aking kaarawan

masaya na sana eh...bigla lang akong nayamot ng mahagip ng mga mata ko ang estranghera

nakita ko na nman ang pagmumukha ng taong labis kong kinaiinisan!!

mag-isa lang siyang nakaupo sa hardin...bahagya itong nakatingala na para bang  may

tinitingnan na wala naman

at tulad ng dati walang kahit anong mababakas na emosyon sa kanyang mukha

..........isang blankong aura lang ang nakikita ko

oo..wala nman siyang ginagawang masama pero ewan ko ba..

naiirita talaga ako sa kanya!!

ayaw ko siyang makita!!

pero iba ang ginagawa ng mga paa ko.....namalayan ko na lang na nakalapit na pala ako sa kanya

marahil ay hindi nya alam na nandito ako kaya ni hindi man lang siya nagbibigay galang sa kin

sa pagkakataong ito, nagawa ko siyang mapagmasdang mabuti...

aaminin ko, napahanga ako sa taglay niyang ganda...kay amo ng kanyang mukha

kawangis na kawangis talaga nya ang inang reyna....

maging ang hugis ng kanyang mga mata ay tila ba kawangis ng sa amang hari

kung hindi lang talaga nag iisang anak ako ng reyna at hari marahil ay iisipin kong

isa rin siyang supling ng reyna at hari..

at para nmang bigla akong natauhan sa nasabi ko

dahil ako lang ang nagiisang prinsesa!

ako lang!!

" ehem! "

bati ko sa kanya.....halatang nagulat sya....

The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon