TFPS : Part 17

670 24 2
                                    

- ULLA -

 Wala akong maisip na puntahan,

magulo rin ang isip ko.....

bakit ba nakapainit ng dugo sa akin ng prinsesa, gayong ginagawa ko nman ang lahat para lang maiwasan siya...

ginagawa ko ang lahat para lang di siya mairita sa kin, hangga't maaari kung nasan ang prinsesa ay pinipilit kong umiwas at hindi magtungo doon

nagtungo ako sa dito sa tabing dagat, naglakad lakad muna habang pinagmamasdan ang

unti unting paglubog ng araw

malungkot kong tinanaw ang napakalayong pook ng dagat na iyon

kung saan para bang doon nagtatago at humuhimlay ang araw

di ko na namalayan ang unti unting pagkalat ng dilim sa buong paligid at ang buwan nman

ay unti unti ng nagpapakita ng liwanag

nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga habang binabalikan ang pangyayaring yon

sa loob ng palasyo

" HINDI SIYA NABABAGAY DITO SA PALASYO!!! "

paulit ulit  na umaalingawngaw sa tenga ko ang mga sinabing iyon ni Prinsesa Alpa

" KAMI NI EMET ANG ITINAKDA! AKIN LANG SI EMET!! "

marahil dala iyon ng labis niyang paninibugho, pero magkaibigan lang kami ni Emet at alam kong

nalalapit na ang kanilang pagiisang dibbib

pero bakit galit na galit siya sa akin? ano bang ginawa ko?

wala akong maiisip...

malungkot akong napatingin sa replekson ng maliwang na buwan sa dapat

naupo ako at saka hinawakan ko ang tubig

O_O

o_O

nagitla akong bigla! at napaatras ng may biglang kung anong imahe ang lumabas mula sa tubig

matapos kong hawakan iyon!!

tila ba biglang nagkaroon ng palabas sa dagat

at pamilyar lahat ng karakter na nakikita ko maliban sa sanggol na iyon.....

dahan dahan akong napatayo at walang kurap na nakatitig lang sa tubig

gustuhin ko mang matakot pero mas nangibabaw ang kuryosidad sa loob ko na

mapanood ang pangitaing iyon

- isang sanggol ang hawak ng reyna, nasa likod lang nya ang hari at tahimik na nakatingin sa reyna at sa hawak nyang sanggol

maging ang kalangitan ng gabing iyon ay tila ba nakikisama sa mga pangyayari, sa mahihina at minsan ay malakas na dagundong ng kulog at kidlat na nagbabadya ng isang malakas na unos

The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon