TFPS : Part 15

819 24 5
                                        

Madaling lumipas ang mga araw sa palasyo...

Naging kapansin pansin ang pinagbago ng reyna mula ng dumating sa palasyo si Ulla..

higit itong naging masayahin at magiliw.........kay Ulla

at ang inaakala ng lahat na normal lang ang bawat araw na nagdaraan

ibang iba sa paningin ng prinsesa Alpa.........

at nalalapit na ang araw na itinakda para sa tadhana ng dalawang prinsesa

Malayo ang tingin ng reyna Hera...tila malalim ang iniisip nito

abala na ang lahat dahil sa gaganaping piging para sa ikalabing walong kaarawan ng prinsesa

at sa raw ding iyon gaganapin ang tradisyunal na pagsasalin bilang kasunod at natatanging

magmamana ng kaharian ng Fire Kingdom

iyon ang batas ng palasyo.....

at taglay ng prinsesa ang tatak ng isang tunay na fire phoenix........

" Kamahalan, tila malalim ang iniisip mo, maari ko bang malaman " - Haring Dax

nanatiling walang imik ang reyna

" sa isang araw ay ganap ng dalaga ang ating prinsesa, hindi ka ba natutuwa? " - Haring Dax

 ngumiti ang reyna sa hari

" tama, kaarawan na ng ating prinsesa...

subalit kamahalan, kaarawan din ng isa pa nating prinsesa " - Reyna Hera

nilapitan ng hari ang reyna at ska nya ito niyakap

" Mahal kong reyna " - Haring Dax

 " Kamahalan, si Ulla, di kaya siya ang... " - Reyna Hera

" Hush! "

saway ng hari sa reyna at hindi na nito pinatapos pa ang pagsasalita ng reyna

bagamat sa puso ng hari may pagaasam din itong sana ay si Ulla na nga ang prinsesang

nawalay sa kanila

subalit batid din ng hari ang batas ng kaharian

kung totoong si Ulla na nga ang isa pang prinsesa, tiyak ng haring malaking kaguluhan

sa kaharian pag nalaman ng mga pantas na buhay pa ang isang prinsesa

para sa kaligtasan ng dalawang prinsesa....

para sa kapakanan at katahimikan at kaligtasan ng buong kaharian

di nga ba't kaya nila nagawang ipaanod sa tubig ang isang prinsesa

nagawa nilang isakripisyo ang buhay ng isang prinsesa para sa kapakanan ng kanilang

The Fire Phoenix SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon