Prologue.
"AND THE winner is... Candidate number 5!" the host announced. Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko. Malakas din ang hiyawan mula sa mga audience na sumusuporta sa akin.
Mahinhin ko naman na natutop ang bibig ko. Hindi naman sa nagyayabang. Super humble kong sasabihin na wala pa akong naipatalo na beauty pageant. At sa mga nakalaban ko ngayon... masasabi kong five hundred percent na panalo ako.
At nanalo nga ako!
Super humble ko talaga.
Dahan-dahan naman na lumapit ako paharap.
Agad naman na nilahad sa akin ang palad ng isa sa mga judges at binati ako.
"Congratulations!"
"Thank you so much!" nakangiting sabi ko at lumapit ang isa pa sa mga judge. Kinamayan din ako at nilagay ang sash. At pagkatapos nun ay ang ang nanalo last year ang lumapit sa akin at nagbeso kami. At siya din ang naglagay ng crown sa ulo ko. Humarap naman ako sa lahat at kumaway ng pang Miss Universe.
Matapos nun ay nagpose kami sa harap ng photographer at pinakita ko ang pinakanakakasilaw kong smile. Kahit ngawit na ang panga ko sa pagngiti ay todo smile pa din ako.
Matapos ng nakakapagod na pagpose at pictorial ay agad na pumunta ako sa backstage. Agad naman din akong sinalubong ng mga nakasama ko.
"Wow girl! Panalo ka na naman!"
Isang napakagandang ngiti ang binigay ko.
"Oh thanks girl!"
"Ang galing mo talaga girl! Napakaganda mo naman kasi." puri pa ng isa.
Ohh I know. I very much know that.
"Thank you."
Nakabangga ko naman ang first runner up.
"Congrats." maikling sabi lang nito at umalis na. Nagtaka man ako ay kinibit balikat ko na lang.
"Congratulations!" bati pa din ng iba.
"Thanks. Oh paano papalit na ako, ha? Baka nasa labas na si boyfriend. Hinihintay ang kanyang beauty queen na girlfriend!" masayang sabi ko at nag-excuse na ako. Nang mapag-isa ako sa dressing room ay napabuga ako ng hangin.
Naipaypay ko ang mga kamay ko sa mukha ko.
"My goodness! Naiinitan ang beautiful face ko! Paano kung nalusaw yung kagandahan ko sa init? Bakit di kasi nilakasan ang aircon?" reklamo ko habang palakad-lakad sa loob.
"Ayy makapagpalit na nga. Kailangan irampa ko kay boyfriend na super jackpot siya dahil meron siyang girlfriend na beauty queen, sexy at super talented!" pagkasabi nun ay agad na nagpalit ako at kinuha ang mga trophies at iba pang gamit ko. Mabuti na lang at susunduin niya ako kaya hindi ako mahihirapan sa biyahe.
Ang saya-saya ko pang lumabas. Pagkalabas ko naman ay nakita ko agad ito. Nakatalikod sa akin. Kaya naman mabilis akong lumapit suot pa ang crown at sash ko.
"Boyfrieeenndd----eeehhh?!" napanganga ako sa nakita ko. Natigilan naman sila at lumayo. Si boyfriend--- ang hudas may kahalikan na ibang babae! At ng makita ko kung sino... ang walanghiya! Yung first runner up pa!
"Walanghiya kaaaa!!!" at sinugod ko ito at pinaghahampas. Tinignan ko yung babae at sasampalin ito.
"Malandi ka!!!" akmang sasampalin ko ito ng iharang ni hudas ang sarili niya.
"No!"
"What the! Ipagpapalit mo ako sa kanya? Ako? Ako na beauty queen?"
"Yes. I am breaking up with you." sabi lang nito. Humarap kay girl. "Let's go, babe." at hinatak na nito si malandi. Nagflip pa ito ng buhok at tumalikod na.
Aba at ang sarap kalbuhin!
Hindi ko naman mapigilan ang umiyak. Umiyak ako ng umiyak kahit na sabog na sabog na ang mascara ko at mukha na akong panda.
"ARGGGGHHH!!! HINDI NA AKO MAGMAMAHAL SA GWAPO! SUSUNDIN KO NA ANG PAYO NI ANDREW E. HAHANAP NA AKO NG PANGIT AT IIBIGIN KONG TUNAY!" frustrated na sigaw ko. Iyak lang ako ng iyak. Naramdaman ko naman na may tao sa harap ko. Pagtingin ko ay may panyo na sa harap ko.
"Miss, are you okay?"
Tumingala ako at napangiwi sa nakita ko sa utak ko.
Kahit pigilan ko man... nakita ko ang Pussycat Dolls na sumasayaw sa likod nito at kumakanta ng...
Be careful what you wished for cause you just might get it.
"Oh my gosh." pabulong kong sabi.
===============
-M
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...