Chapter 19
HINDI ako mapakali. Kanina pa ako palakad lakad sa hallway sa may backstage. Kahit di sabihin ni Nike, alam ko na narinig niya yung usapan namin sa loob. Inis na sinabunutan ko ang sarili ko.
"Ang tanga tanga ko! Mygasss! Minsan ang isang dyosa talaga ng kagandahan ehh nagkakamali din ng very very slight!" naiinis na sabi ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.
"Tami?" sabi ng isang boses sa likod ko at parang hinipan lang ng hangin ehh inayos ko kaagad ang sarili ko. Syempre ganyan talaga ang mga dyosa ng kagandahan na tulad ko isang hipan lang magandang maganda na ulit.
"Yes?" at ubod ng tamis kong ningitian ang isang staff ng pageant kahit ba halata sa mukha nito ang pagtataka sa kinilos ko kanina lang.
"Pack up na. Pwede na kayong umuwi." sabi lang nito sa akin. Ngumiti at tumango lang ako ulit dito. Huminga ako ng ubod ng lalim na kasing lalim ng kagandahan na meron ako.
"Baka naman hinihintay na akong sunduin ni Nike sa parking lot kasi ihahatid niya ako pauwi gaya ng lagi niyang ginagawa. Tama. Baka nga." pangungumbinsi ko sa sarili ko at madali akong bumalik sa dressing room para kunin ang mga gamit ko. Lakad takbo na ang ginawa ko para lang makarating sa parking lot at laking ngiti ko na matanaw ko na nakapark ang sasakyan nito sa isang tabi. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kanang kamay ko.
"Sabi na ehh. Di talaga matitiis ang kagandahan na meron ako." nakangising sabi ko at pa catwalk pa ako na naglakad papunta sa sasakyan. Bumukas ang driver seat nito. "Nike-"
"Good evening Tami. Nandito ako para ihatid ka pauwi sa inyo." Ang nakangiting mukha ni Bruno ang sumalubong sa akin. Nanigas ang ngiti sa labi ko.
"Oh. Hi Bruno. Good evening din." nakangiti kong sabi dito. Pero paikot-ikot naman ang mga mata ko. Hinahanap ang pigura ni Nike. At dahil di na din naman ako mapakali, tinanong ko na ito. "Si Nike?" nakangiti ko pa ding sabi dito. Umaasa na sana sabihin niya na nasa loob lang ito at naghhihintay at si Bruno ang magmamaneho kasi pagod lang ito.
"Ahh, Si Nike ba? Wala siya. Nauna ko na hinatid sa kanila. Binilin lang niya sa akin na siguraduhin ko na ihatid ka pauwi sa inyo." nakangiting imporma nito sa akin. Tumango tango naman ako. Pilit kinukumbinsi ang sarili ko na baka pagod lang ito kaya si Bruno na ang pinagsabihan nito.
Pinagbuksan naman ako nito at sumakay na ako. Matapos ilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan, pumunta na din ito sa harap at nagmaneho na pauwi sa amin. Nagpasalamat naman ako dito at nagpaalam na dito. Pumasok naman ako sa bahay. Tahimik ang loob. Mukhang tulog na ang lahat.
Agad naman na nagpunta ako sa kwarto ko para kumuha ng kakailanganin ko para makapagpunas man lang saglit. Nagskincare routine ako at nahiga na.
Kinuha ko ang cellphone ko. Gusto ko sana tawagan si Nike. Pero naisip ko baka tulog na ito. Naisipan ko na lang na magchat dito.
Thank you sa pagbilin kay Bruno na ihatid ako pauwi, Goodnight.
Sabi ko at nilagay na ang cellphone sa tabi. Natulog na ako. Alam ko naman kasi na magchachat din si Nike sa akin agad pagkagising nito gaya ng madalas nitong gawin.
LUMIPAS ang buong maghapon at umabot na ng gabi, pero ni isang message mula kay Nike, wala akong natanggap. Ni pagbisita man lang nito, kahit anino man, wala akong nakita at naramdaman. Akala ko isang araw lang. Pero lumipas na ang ilang araw na di ko siya nakikita. Syempre kahit anong dyosang taglay ng isang tulad ko, nakaramdam pa din ako ng lungkot. Namimiss ko na ang lintek.
Nang matapos ang rehearsals namin, agad na nagpunta ako sa parking lot. Baka kasi nandoon na si Nike at hinihintay na ako para ihatid ako pauwi sa amin. Ilang saglit lang ay natanaw ko na ang sasakyan nito. Mabilis na lumapad ang ngiti ko. Pasimple ko pang inayos ang buhok kong pang commercial ng shampoo at conditioner na kasing ganda tulad ko. Bumukas ang driver seat. Ramdam na ramdam ko ang nag iinarteng pagtambol sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...