KN.03

198 16 16
                                    

Chapter 3


MABUTI na lang at kailangan kong pumunta sa head office. Kailangan ko kasing ibigay ag sales report ng personal sa may-ari. Saka may favor din sana akong tatanungin.

"Hello Tami! Long time no see, ha?" bati sa akin ni Jordin. Secretary ni Boss.

"Hello Jordin! Kahit gaano pa katagal na hindi mo ako nakita, no worries dahil dyosa pa din ang kagandahan ko." ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at winave pa ang buhok ko. Napailing na lang sa akin ito.

"Okay. Fine. Wave pa more."

"Nandyan pa si Sir Orlan?"

"Yes. Pasok ka na lang. Nagdedesign lang naman yun ngayon." nakangiting sabi nito.

"Thank you, Jordin." nakangiting pasasalamat ko at pumunta na sa opisina. Kumatok muna ako ng tatlong beses at pinihit na ang pinto.

Nakita ko naman si Sir Orlan sa harap ng desk nito. May mga nagkalat na sketches sa paligid. Pero mukhang hindi nakatuon ang pansin nito. Tinignan ko talagang maigi ito. Siguro almost six feet ito. Makinis ang maputing balat nito. Matangos ang ilong. Mapupungay ang mga mata at medyo reddish pa ang labi. Pak na pak sa kagwapuhan talaga. Sayang lang. 

"Sir?" tawag ko ulit dito.

"Huh?" gulat na sabi nito at napaangat ng tingin. 

"Kanina pa ako nandito, Sir."

"Sorry, Tams. Medyo may iniisip lang."

"Ang kagandahan ko ba, Sir?" at pinapungay ko pa ang mga mata ko.

"Yung akin. Etchosera to." nakangusong sabi nito at tumawa lang ako. Kaya nasabi kong sayang. Kafederasyon ko kasi ito. For short, beki siya.

"Naku naman Sir Orlan. Wag ka ng magreklamo dyan at magkalevel lang naman tayo ng kagandahan eh."

"Sige na nga."

"Wow ha. Napilitan ka pa ata."

"Kasi pareho naman nating alam na mas maganda ako sa'yo."

"Okay. Pero tunay na babae pa din ako." nakangising sabi ko. Inirapan naman ako nito. Aminin ko man, maganda si Sri Orlan pag pinangatawan niyang maging babae. Pero kung tunay na baabe lang naman, doon ko lang malalamangan ito. 

"Eh di ikaw na! Etchosera ka talaga."

Tumawa na naman ako. "Sir Orlan. Ipapaalala ko lang."

"Ang?"

"Nakalimutan mo na?"

"Ang alin nga?"

Oh my gosh! Baka nakalimutan na nga ni Sir Orlan! Kailangan ipaalala ko agad!

"Ang kagandahan ko!" at winave ko pa ang buhok ko. Pinaikot naman nito ang mga mata.

"Umayos ka Tamarind o aalis ako?"

Ayy tinawag na niya ako sa name ko. Mukhang seryoso na ito. "Si Sir Orlan naman. Opisina mo ito tapos ikaw pa magwawalk out?"

"Oh sige hindi ako magwawalk out. Pero ikaw kaya magtigil ka!" at pinanlakihan pa ako nito ng mga mata. "Sabihin mo na yung sasabihin mo."

Go Tami! Dito nakasalalay ang pak na pak na pagkapanalo mo sa pageant! Idaan sa kagandahan ang lahat!

"Kasi Sir Orlan. May beauty pageant akong sasalihan eh. Magtatanong sana ako kung may gown ba dyan na pwede kong hiramin. Alam ko naman kasi na saksakan na ako ng yaman sa kagandahan. Pero hindi sa budget. Kaya Sir Orlan, baka meron sana." at pinapungay ko pa ang mga mata.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon