Chapter 15
NAKAPANGALUMBABA ako habang iniikot ko ang paningin ko sa buong lugar. Di pa din ako makapaniwala sa nakikita ko. Aaminin ko na sobra akong nadisappoint ng malaman ko na hindi kami sa Il Paradiso Resort pupunta. Pero agad na nawala yun, nang pumasok kami sa Il Paradiso.
"Ang ganda talaga dito, Nike." sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin.
"Buti naman nagustuhan mo." sabi nito at mabilis na tumango ako.
"Gustong-gusto kamo." sabi ko. "Pero anong pinagkaiba nito sa Resort?"
"Ahh. Ito ay para sa mga exclusive members lang. Yung Resort open yun for public." paliwanag nito at napatango-tango ako. Nandito kasi kami ngayon sa may open part ng The Royal Tavern sa second floor. Inaantay na lang namin yung order namin na almusal.
Ilang saglit lang ay dumating na din ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain. Sarap na sarap ako sa pagkain.
Magtatanong sana ako dito ng makita ko na parang may dalawang magkamukha na sa tabi ni Nike. Palipat-lipat pa ang tingin ko sa kanila kasi magkamukhang-magkamukha sila.
"Uhhm... sino sila ulit?" tanong ko.
"I'm Kiefer/Steele." sabay nilang sabi.
"Ha?"
"Sila sina Kiefer at Steele. Mga members din dito sa club." pagpapakilala ni Nike. Tumango ako.
"I'm Tam---"
"Tami, right?" sabi ng nasa kanan ni Nike. Kunot-noo ko itong tinignan.
"Nabanggit ka kasi ni Nike." sabi naman ng nasa kaliwa nito. Guiat naman na napatingin ako kay Nike.
Nabanggit niya ako? Nabanggit niya ako sa mga friendships niya?
"Oo nga. Kasi plano ka daw niya supplyan ng napkin. Baka daw kasi minsan pag high blood ka eh meron ka lang." biglang sabi ng nasa kanan nito. Gusto kong sapakin yung nasa kanan ni Nike kung sino mang talipandas to.
"Uyy Steele. Wag mo naman sabihin kay Tami yan."
"Ayy surprise ba? Sarreh." sabi ng nasa kanan nito. "At ako nga pala si Kiefer." pagtatama nito. So ang nasa kaliwa ngayon ni Nike ay yung Steele.
"Saka hello. Nagkita na kaya kami sa play. Although can't helped it. Mahirap nga kaming tukuyin." kibit balikat na sabi ni Steele.
"Wow may bisita si Nike! Himala ito." biglang dating na isang lalaki. Nakita ko na din ito sa play pero di ko na maalala.
My gosh Tami! The dyosa you! Hindi na makakaremember ng mga gwapong boylet.
Kasi si Nike na lang eh. Wala ng ibang pog---pagkatao bukod kay Nike ang alam ko.
"Hoy Eoin! Alam namin na kulang kulang ka na sa pag-iisip. Aba naman! Butas pa yung sa kili kili ng damit mo!" biglang sita ng bagong dating na naman.
"Grabe ka naman Erskin. Di ba pwedeng bet ko to kasi fresh na fresh para sa aking underarm?" takang sabi ni Eoin.
"Ayy sabagay may point ka dyan! Apir nga!" sabini Erskin at nakipaghigh five pa kay Eoin. At dahil dun, kita namin na butas din pala ang sa parteng kili-kili nito at mas malaki pa.
"Grabe kayo. Hindi na kayo nahiya sa bisita ni Nike. Minsanan lang to." biglang sabi ni Steele.
"Ayy sorry na. Sige na nga magtatahi na kami." biglang sabi ni Eoin at nakiupo na sa amin. "Hala wala tayong sewing kit."
"Here, Sir Eoin." biglang sabi ng isang butler waiter. May hawak itong mini sewing kit.
"Thanks Emil." nakangiting sabi ni Eoin at tinanggap ito. Naghubad naman ng damit si Eoin. Halos napanganga ako at oh my gosh mga dyosa. Anim ang nakikita ko. "Hala baka sipunin ako. Pahiram naman ng damit." sabi ni Eoin.
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...