Chapter 10
"SIGURADO ka ba na dito na lang, Panda? Baka gusto mo sumama?" tanong ni Beast---I mean Nike.
"Oo nga Ate Panda. Punta ka sa birthday namin. Para mameet mo din mga kapatid ko." sabi ni Ysa at nagpuppy eyes pa. Nalaman ko na triplets pala sila at may party pa pala sa bahay ng mga ito ngayon. Pero tumanggi na ako na pumunta at nagpahatid na lang sa amin. Nag-iwas naman ako ng tingin kay Ysa.
"O-oo. Sorry Ysa. May pasok pa kasi ako sa work tomorrow eh." sabi ko dito at ngumiti pa ng tipid. Bumuntong-hininga naman ito.
"Okay Ate Panda. Next time sama ka na ha?" nakangiting sabi nito. Dahan-dahan naman akong tumango. Bumaba na ako ng sasakyan.
"Bye Panda." sabi ni Nike.
"Bye Ate Panda." nakangiting sabi naman ni Ysa at kumaway pa ito.
"Bye. Ingats kayo sa biyahe." sabi ko at umalis na sila. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung relief ba o ano.
"Ate, sino yung chik na kasama mo? Ang ganda ha?" biglang sabi ni Mackerel. Pagtingin ko dito ay pawis na pawis ito. Mukhang galing sa pagbabasketball.
"Anghel yung kasama ko. Bagay sa isang dyosa na tulad ko." sabi ko at sabay flipped sa buhok ko. "Lumayo ka nga sa akin at amoy lupa ka." pagtataboy dito.
"Okay." sabi lang nito. Pero bago ito pumasok ay mabilis na sinubsub nito ang mukha ko sa kili-kili nito.
"Tikman mo ang batas ng isang api!" tatawang sabi nito at nagtatakbo na palayo. Gusot na gusot ang mukha ko.
"Tang ina ka talagang isda ka!" galit na bulyaw ko kahit nasa loob na ng bahay ito.
Sige matutuwa na lang ako. At least alam ko na si Ysa ay Ysang bestfriend lang.
AS USUAL, dyosa pa din ang feeling ko habang papasok ako sa office.
"Good morning Maam Tami." bati ng isang assistant ko.
"Good morning din." masiglang bati ko sa kanila at tuloy -tuloy lang sa pagpasok sa opisina. Nang makita ko ang mga tambak na papel ay agad n asinimulan ko ang trabaho. Lagpas tanghalian na ng mapansin ko na hindi pa pala ako naglulunch. Kinuha ko ang bag ko ay nagsabi sa assistant ko na maglulunch lang ako. Nagtaxi na lang ako papunta sa pinakamalapit na mall.
Abala ako sa pag-iisip kung saan ako kakain ng may mapansin ako. Nakatayo sa may harap ng counter ng mga cake sa Superman's Bakery and Sweets. Pinaningkitan ko pa ang mga mata ko para masiguro ko na tama ang hinila ko. At ng tumuwid ito ng tayo, nakumpirma ko nga. Agad na lumapit ako dito.
"Hi Beast!" bati ko at tinapik ito sa balikat. Napatalon naman ito sa gulat at gulat na gulat na tumingin sa akin.
"Panda! Nanggugulat ka naman!" sabi pa nito at humawak pa sa dibdib.
Hmm.. infairness. Nagulat o natakot walang pagbabago sa mukha. Consistent ang peg.
"Masyado ka kasing nakafocus dyan." sabi ko dito. "Anong meron? Bakit ka bumimili ng cake? Birthday mo?" casual na tanong ko. Tapos napakunot ako.
Hindi ko nga pala alam ang birthday ng kumag na 'to.
Umiling naman ito. "Hindi. Ibibigay ko sana para kay Ysa." sabi nito at tumingin ulit.
"Tapos na naman birthday ni Ysa, ha?" kunot noong tanong ko.
"Ahh. Oo nga. Pero nung tumawag ako. Nalaman ko na nasa hospital daw siya." nag-aalalang sabi nito.
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...