CHAPTER 4
SERYOSONG-SERYOSO ako na namimili ng design para sa gown ko. Ang hirap. Lahat kasi magaganda saka...
"Bagay na bagay sa akin ang lahat! Litaw na litaw ang pagiging dyosa ko!" sabi ko.
Narinig ko naman ang marahas na buntong-hininga ni Lyra.
"Umagang-umaga Tamarind. Maghunus-dili ka." sabi nito at tumingin din sa mga designs. Nandito kami ngayon sa may opisina ko. Tinutulungan ako ni Lyra mamili ng designs kasi babalik na din ito sa Laguna. Stay-in kasi siya dun.
"Of course not. Hindi ako maghuhunus-dili. Dahil dyosa ako. Walang halong pagmamayabang yun." super humble kong sabi. Pinaikot naman nito ang mga mata.
"Itong pula. Tutal medyo mestiza ka naman." turo nito sa isang long gown na pula. Halter style ito na kita ang cleavage at open ang likod. May embroidery sa may may parteng cleavage at sa may bewang nito. Pati ang gilid at ang laylayan.
"Oh my gosh Lyra! You are so bright talaga! This is so bagay na bagay for a goddess like me!" masayang sabi ko habang tinitignan ang sketch paper. Naiimagine ko na ang sarili ko habang suot ito.
"Oo na. Ako na. Ano bet mo na ba yan? Para maibigay na natin kay Sir Orlan at ng masimulan ng tahiin." sabi ni Lyra. Sunud-sunod na tumango naman ako.
"Bet na bet talaga! Litaw na litaw ang pagkadyosa ko dito at walang pagdududa na ako ang mananalo sa gown portion." sabi ko. "Tapos ako pa magrarampa nito kaya for sure... ako na talaga ang magwawagi!" confident kong sabi. Ito talaga walang halong pagmamalaki pero katotohanan lang talaga to promise!
"Eh di ikaw na. Sige na. Ikaw na panalo." walang ganang sabi ni Lyra. Agad na hinarap ko ito at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Come on Bestfriend! Support me! I need your moral support!" sabi ko habang inaalog-alog ang balikat nito. Naiinis na tinanggal nito ang mga kamay ko.
"Nandito na nga ako at tinutulungan ka na mamili ng gown eh. Tapos may supprt support ka pang nalalaman dyan. At kung moral support lang... nag-uumapaw ka na dun!" sikmat nito sa akin. Napaisip naman ako.
Hindi naman sa ano... pero tama ito. I have to be humble.
"Sabi ko nga Lyra. The best ka talaga." sabi ko at umupo na. Kinuha ko ulit ang sketch at itinukod ko ang siko ko sa may lamesa at pinaktitigan ang drawing.
"Hais. Ang ganda ganda ko dito promise." at napabuntong-hininga pa ako.
Napailing naman si Lyra sa akin.
Ayy basta. Sure na talaga ako na ako mananalo.
GABI na. Medyo madami din akong inayos na files kaya late na akong natapos. Bukas pupunta pa ako sa main office para ibigay kay Sir Orlan ang napili kong gown na isukat. Tinext ko naman si boyfie na sunduin ako.
Pero halos kalahating oras na akong naghihintay sa labas pero wala pa din ito. Tingin naman ako ng tingin sa wrist watch ko.
"Ayy naman eh! Alam ba niya na hindi dapat pinaghihintay ang isang dyosa na tulad ko dito sa labas at gabi na at matagal pa!" sabi ko at napapadyak pa ako. "Ang tagal naman."
Naghintay pa siguro ako ng mga fifteen minutes ay saka lamang ito dumating. Pagkatapat ng sasakyan sa akin ay agad na sumakay naman ako.
"Oh my gosh Arthur! Bakit ang tagal mo?" agad na sbai ko dito.
"Sorry, baby. May kliyente lang ako kanina." sabi nito at nagmaneho na. Naiinis na sumandal ako at nagcrossed arms pa.
"Arthur, alam mo naman na gabi na. Sana man lang sinabi mo sa akin na malalate ka. Paano kung may mangyari sa akin sa labas habang naghihintay?"
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
ChickLitMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...