Chapter 14
HINDI ko na mabilang ilang buga ng hangin ang ginawa ko. Aburidong-aburido ako. Tumingin ako sa mga nagsasayawan. Tumalim agad ang nga mata ko.
Si Liza, yakap na yakap kay Nike. Talagang damang-dama ng bruha ang katawan ni Nike. Alam ko sa pagsasayaw dapat may distansya. Pero kung kailangan ata na itali na niya ang katawan kay Nike, matagal na siguro nitong ginawa.
"Okay ka lang, Ate Panda?" biglang sabi ni Ysa. Nagflipped muna ako ng buhok at tumingin kay Ysa.
"Ysa, maganda ba ako?" tanong ko. Nagtataka naman na tinignan naman ako nito.
"Oo naman, Ate Panda. Bakit mo naman naitanong yan?" takang tanong nito. Nagkibit balikat naman ako.
"Wala lang. Assurance." nakangiting sabi ko. Tumayo naman ako. "Excuse me lang Ysa. Kukunin ko lang ang akin." nakangising sabi ko. Pang dyosa na lakad ang ginawa ko papunta sa sayawan. Nag-iinit ang ulo ko sa nakikita kong paglingkis at talagang paggala ng kamay nito sa katawan ni Nike. Tumapat ako kina Liza at Nike.
"Excuse me. I'll take my partner back." mataray kong sabi. Tinaasan lang ako ng kilay ni Liza.
"Nagsasayaw pa kami." sabi nito. Yumakap pa itong lalo kay Nike at nakita ko na dinama nito ang abdomen ni Nike. Nakita ko na kinilig pa ito at napakagat pa sa labi. Hind ko ito pinakinggan at gumitna sa kanilang dalawa. Pinalibot ko naman ang mga kamay ko sa batok ni Nike.
"Sorry Nike. Pero di ba dapat kasama mo ang partner mo?" malambing na sabi ko dito. Binigyan diin ko pa ang huli kong sinabi. Kumunot naman ang noo ni Nike. Tapos humarap kay Liza.
"Ayy Liza. Sorry. Inaya ko kasi si Tami dito." nakangiting sabi ni Nike dito. Ngumiti naman ng ubod ng tamis ito.
"Okay lang. Naiintindihan ko naman at alam ko naman talagang malaki ang respeto mo sa mga babae." sabi nito at binigyang diin ang respeto ng sumulyap ito sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay.
Pinaparating ba nito na kaya malapit si Nike sa akin aty dahil rumerespeto lang ito?
Ngumiti ako ng ubod ng tamis. "Oo nga eh. Yun talaga ang nagustuhan ko kay Nike. Malaki ang respeto niya lalo na sa mga kaibigan lang niya." at hinilig ko pa ang ulo ko sa balikat nito. Dama ko na nanggigil na ito sa akin pero ngumiti ito.
"Excuse me lang, Nike. Kuha lang ako ng maiinom. Medyo nauhaw ako sa kakasayaw natin." nakangiting sabi lang nito kay Nike at naramdaman ko na sadyang sinagi nito ang balikat sa akin. Napangiti ako.
Wala kang laban sa dyosa!
Nanatiling nakahilig ang ulo ko sa balikat nito. "Sayaw lang tayo, Nike, ha?" sabi ko. Ramdam ko ang pagtango nito at dinama ko ang posisyon namin ngayon.
DUMIRETSO ako agad sa banyo ng matapos ang tugtog kanina. Nang matapos ako, ay agad na lumabas ako para maghugas kaya nagulat ako na makita si Liza sa loob ng banyo. Mukhang di rin nito inaasahan na nandoon ako kasi halata din ang pagkagulat nito. Dumiretso naman ako sa lababo at nagtuloy naman ito sa pagreretouch nito.
"Gaano na kayo katagal na magkakilala ni Nike?" biglang tanong ni Liza. Sumulyap lang ako dito.
"Hmm. Matagal na din." sabi ko habang naghuhugas ng kamay.
"Talaga? So may idea ka na pala na mabait lang talaga si Nike, tama ba?"
"Oo. Ano ngayon?"
"Kasi kung kabaitan lang, sana hindi mo abusuhin yun." sabi nito habang naglalagay ng lipstick. Pinatay ko naman ang gripo at kumuha ng tissue pantuyo sa gilid.
BINABASA MO ANG
Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.
Genç Kız EdebiyatıMusic and Lyrics #2 Hindi alam kung bakit ako'y nahuhulog hulog sayo Hindi alam kung ano ba ang nadudulot dulot nito Hindi ka naman gwapo Macho, 'di masyado Ngunit sabi ng puso'y oo oo Sabi ng barkada, wag nalang daw sana Ngunit sabi ng puso'y oo oo...