KN.05

171 16 32
                                    

CHAPTER 5


KUNOT noo kong tinitignan yung babae sa harap ko na nakatingin lang sa akin. Tulala kasi ito at nakangiwi pa. Dapat ako nga ang matulala dahil sa nakikita ko.

"Uhmm... miss... ayos ka lang ba?" tanong ko ulit. Napapikit naman ito ng mabilis at tumango. Inalalayan ko naman ito na tumayo.

"Thank you." sinisinok na sabi nito.

Gamit ang panyo ko ay tinuyo ko ang luha na nasa mukha nito.

"Hala miss... nagkalat na yung make-up mo."

"A-alam ko. Maganda pa ba ako?" tanong naman nito. Tinignan ko itong maigi. Isa lang talaga ang nakikita ko sa kanya ngayon.

"Oo. Mukha kang panda." sincere na sabi nito. Napanganga naman ito. Maya-maya ay hinampas ako.

"Gago ka pala eh." at umiyak na naman.

Medyo nagpanic naman ako.

Hala! Paano ako naging gago eh sinagot ko lang naman ang tanong niya?

"Sorry na Miss. Sinagot ko lang naman ang tanong mo eh."

"Sana sinabi mo pa din na maganda ako!" sikmat nito. Napakunot pang lalo ang noo ko.

"Eh di magsisinungaling ako para lang mapagaan ko ang loob mo, ganun ba?" tanong ko dito. Tumango naman ito. "Pasensya na Miss. Pero hindi ko gagawin yun. Sabi kasi sa akin ng Mama ko, mas maganda daw na magsabi ng totoo kasi masama ang nagsisinungaling kasi kasalanan yun sa Diyos." paliwanag ko dito. Nanatiling nakatingin lang ito sa akin. Maya-maya ay napailing.

"Bahala ka dyan. Salamat sa panyo mo." sabi lang nito at naglakad na. Pero kita ko naman na pinulot pa nito isa-isa ang mga gamit nito na nasa hindi kalayuan lang. Agad na lumapit ako dito at tinulungan ito.

"Tutulungan na kita. Saang sasakyan ko ba dapat ito ilagay?" tanong ko dito. Natigilan naman ito.

"Wala akong sasak-yan." sabi nito na napahikbi pa sa huli. Nagulat naman ako.

Paano siya uuwi nito kung ganun?

"Paano ka uuwi?"

"T-taxi."

"Naku Miss. Napakadelikado na sa daan lalo na at gabing-gabi na. Ihahatid na lang kita. Don't worry mukha naman akong mapagkakatiwalaan." at ngumiti pa ako ng pagkatamis-tamis. Pero agad naman nalukot ang mukha ng babae.

"Naku Mister. Mukha ka ngang magnanakaw-slash-rapist." 

Napasimangot naman ako. 

"Grabe ka naman Miss. Ipapaalam ko lang sa'yo na never akong gumawa ng krimen. Never in my whole life kaya hindi mo pwedeng sabihin sa akin yan." proud kong sabi dito. Hindi makapaniwalang tinignan ako nito.

"Di nga? Wala sa mukha mo eh."

"Talaga?" sabi ko at nagtumingin sa may salamin sa may kotse sa tabi. "Wala nga sa mukha ko?" takang sabi ko. Nasa mukha ko ba talaga ang pagiging mabuting tao?

Tinalikuran lang ako nito at naglakad na palayo. Hinabol ko naman ito.

"Teka Miss... saan ka pupunta?"

"Uuwi na." sabi nito habang tuloy sa paglalakad. 

"Sige. Teka iyak ka pala ng iyak kanina. Baka nagutom ka. Kumain ka na ba?" concern na tanong ko. 

"Hindi ako guto---" hindi na nito natapos ang sasabihin nito ng kumulo ang tiyan nito. Namula naman ang mukha nito. Napangiti ako.

"Kain na muna tayo tapos hatid na kita kesa mahirapan ka pang magbitbit at baka mapaano ka pa sa daan." nakangiting sabi ko at nauna na akong naglakad patungo sa sasakyan ko.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon