KN.16

25 4 11
                                    

Chapter 16

MATAPOS ang dinner namin ay nagdesisyon kami na mag-ikot-ikot muna. The place totally deserves the name The Paradise because it is beyond words. Talagang hindi mo aakalain na may ganitong lugar pala sa Pilipinas.

"Saan tayo Nike?" tanong ko. Lumingon naman ito sa akin.

"Sa may Paradiso Port." sabi nito. Napakunot naman ang noo ko. Pero di na ako nagtanong pa. Sakay ng Paradiso Cab ay nagtungo kami sa port. Pagbaba namin sa cab ay halos matulala ako sa nakikita ko.

Ilang mga naggagandahang mga yate ang nakikita ko. Mga nakapark ang mga ito sa port.

"Let's go?" yakag ni Nike sa akin. Nilahad nito ang palad na open lungs ko naman na tinanggap. Magkasalikop ang mga kamay namin habang naglalakad. Ohh my geee! Ang sweet ng date namin ni Nike. Imagine, sa yate pa talaga!

"Dito na tayo." sabi nito. Tumingala ako at isang magandang yate ang tumambad sa akin.

"Neptune?" basa ko sa pangalan sa yate nito. Tumango ito.

"Yep! Ganda noh?" halata sa boses nito ang pagmamalaki sa name ng yate nito.

"Oo nga. Maganda nga." sang-ayon ko dito. Pagkatapos nun ay umakyat na kami. Halos nasa taas na kami at akmang ibubuka ko na ang bibig ko ng biglang may mga kamay na humahaplose sa pandesal ni Nike.

"Hi Nikey!" biglang sulpot ng ulo ni Liza sa likod ni Nike at hanggang ngayon ang mga kamay ay pasimpleng pagtsansing--este molestiya---este kapa---este hawak pa din nito sa pandesal.

Napataas ang kilay ko. "Hi Liza." sabi ko at tinignan ko ang magkahawak na kamay namin  ni Nike. Sinundan naman nito ng tingin iyon. Pero akala ko maiinis ito, ngumisi lang ito at lalong pinakita ang paghawak sa tiyan ni Nike.

"Hi din Tami." at malditang ngumiti sa akin. Umabot na ata sa Mt. Apo ang taas ng kilay ko. Pero agad akong ngumiti ng matamis ng mapatingin sa akin si Nike.

"Tara na?" nakangiting aya nito. Ngumiti din ako dito at tumango. Naglakad na ito at hinatak ko talaga para lang humiwalay ang umeepal na si Liza sa aming dalawa. Tagumpay naman dahil sa bilis ng lakad at lakas ng hatak ko ay napabitiw ito. Sinamantala ko naman agad at lumingon kay Liza at ngumisi ako na may halong pang-aasar dito. Inirapan naman ako nito. Tumingin sa akin si Nike. Tingin na mukhang natatae--- este nagtatanong.

"Wala. Gusto ko na kasi makita yung sinasabi mo." palusot ko dito. Mukha naman naniwala ito at tumango lang.

Sa upper deck kami pumunta. Humiwalay ako dito at kumapit sa railways. Inikot ko ng paningin ang paligid. Asul na tubig. Bughaw na langit. Sariwang hangin. Pumikit ako at humingang malalim. Damang-dama ko ang sariwang hangin sa dibdib ko.

"Ang ganda ganda naman dito, Nike." bulalas ko at pagdilat ko at tumingin sa gawi nito ay natigilan ako dahil nakita ko ang pagtitig nito sa akin at hawak pa ang cellphone nito. Kinuhanan ba ako nito ng larawan habang nakapikit ako? Kumabog naman ang dibdib ko.

Gaaasss. I know, right. Sobrang ganda ko kasi. Nakadilat o nakapikit man. Kahit saang anggulo pa. Sinong lalaki ba ang di matutulala sa ganda na meron ako? Wala! As in wala! Kaya understood ko na talagang matutulala si Nike sa maladyosang ganda na meron a----

"Ang galing may bibe sa tabi." sabi ni Nike.

Kumunot naman ang noo ko at nagtataka na tumingin sa direksyon na tinitignan nito. Bumaba ang tingin ko at may mga bibe nga sa tabi. Isang nanay na bibe na may mga anak na kasama. Di makapaniwalang tumingin ako kay Nike. Ito ba ang tinitignan nito at hindi ako?

"May tatlong bibe akong nakita. Mataba mapayat mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod na iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak. Kwak kwak kwak. Kwak kwak kwak. Siya ang lider na nagsabi ng kwak kwak." tuwang tuwa pa na kanta ni Nike habang kinukunan ng larawan ang mga bibe na tila siya ay isang pitong taong gulang na first time na nagfield trip sa zoo. Naghahaba naman ang nguso ko sa inis. May naramdaman naman ako na masamang aura at pagtingin ko sa may gilid ay nandoon si Liza at nang-aasar na nakangiti sa amin. Inismiran ko naman ito.

"Di hamak naman na mas maganda ako dyan sa mga bibe na yan." mahinang bulong ko habang nagkakandahaba ang nguso ko sa inis. 

"Oo nga." rinig kong sabi ni Nike. Halos mabali ang leeg ko sa paglingon ko dito. Tama ba ang rinig ko? Agree si Nike sa sinabi ko.

"Talaga---" naputol ang sasabihin ko ng nakita ko si Nike na nauuna na maglakad.

"Oo nga pala naiwan ko yung ulam sa labas. Baka may pumuntang insekto." sabi ni Nike habang nagmamadali na maglakad palayo sa amin. Pinagkrus ko naman ang mga braso ko sa dibdib ko. Dahan-dahan naman naglakad si Liza papunta sa akin. Tinaasan ko ito ng ohh so perfect kilay ko.

"Hmm. Ano? Akala mo naman nagandahan sa'yo si Nikey." nakangising sabi sa akin ni Liza. Hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik sa ulo ko.

"Kahit hagurin mo pa ako mula ulo hanggang paa, side by side, front and back, wala kang ibang makikita kung ang kadyosahan ko all over." sabi ko at sabay flipped sa buhok ko na tataob sa mga model ng shampoo at conditioner sa tv. "Kaya wag mong isipin na winner ka na. Kasi ako pa din ang mananalong dyosa sa buhay ni Nike." And I walked out like the beauty queen as I always am. Hindi ako basta basta na lang magpapatalo. Ilang beses ko na nilampaso ang mga humaharang sa kagandahan ko, sa karibal ko pa kaya? No way in hell.

Agad na sinundan ko ang dinaanan ni Nike. Nakita ko naman ito sa loob. Sa may parteng dining ng yate nito. Isa-isa nitong tinitignan at sinusuri ang mga tray na waring may dumapo na mukha nito---este langaw dito.

Sumandal ako sa hamba ng pinto at humalukipkip at pinagmasdan lang ito. Nakakatuwa lang talaga na beyond his face, there lies a pure and innocent soul. Na sa mundo ng puno ng gula at dumi, may  isang tulad pa din nito na nananitiling malinis at mabait. Kaso mabilis lang tlaga humusga ang tao base sa panlabas na anyo.

Parang ako, di ba? Pero hindi na ngayon. Kung tulad noon na mabilis at madali na sa akin ang humusga ng tao. Pero simula ng makilala ko si Nike, nagbago na din ako. Bukod nga lang sa ubod pa din naman ako ng ganda.

"Hala! Panda! Kanina ka pa dyan?" gulat na gulat na sabi ni Nike. Oo, nagulat siya. Pati ako nagulat kasi may ikakagulat pa pala sa mukha nito.

Umalis naman ako mula sa pagkakasandal at lumapit dito. "Ano naman ang mga yan?"

"Luto nina Mama at Lola. Merenda natin." sabi nito. Tumango naman ako.

"Ehh paano napunta dito yan?"

"Pinadala ko kay Bruno." sagot nito na tinutukoy ang gwapong sekretarya nito.

Tignan ko naman ang mga nasa tray at masasabi ko na mukhang masasarap ang mga ito. "Nakakapaglaway naman." sabi ko. Lumapit naman sa akin si Nike at nilapit ang mukha nito sa mukha ko. Nanlaki naman ang mga mata ko at nahigit ko ang aking hininga. 

Itinaas nito ang kamay at nilapat sa gilid ng labi ko. "Tuyo naman, Panda. Hindi ka naman nagtulo laway." simpleng sabi nito at umakto pa na pinupunasan ng daliri nito ang gilid ng labi ko. Bumalik na ito sa pagtingin muli sa mga tray. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil na din sa mabilis na kabog nito. Juice me itong si Nike. Nakakaheart attack ang mukha at kilos sa akin!

"Ohh Panda, masakit ang dibdib mo?" gulat na naman na sabi nito at napahawak sa sarili nitong dibdib. "Hala kakapain ko para masure natin kung may problema." inosenteng sabi nito na parang sinasabi lang na pag masakit ang ulo ay dapat hilutin na parang sa dibdib ko ay dapat din hilutin dahil masakit din.

Akmang lalapit na sa akin ito ng itaas ko ang kanang kamay ko bilang pagpigil dito. "Hep! Hep!" awat ko sa paglapit nito pero imbes na lumapit ito ay biglang pumalakpak naman.

"Hooray!" masayang sabi pa nito na akala mo player din sa isang noontime show. At dahil sa kinilos nito ay napahagalpak ako sa tawa. Sa sobrang pagtawa ko ay napahawak na ako sa aking tiyan at napapapunas na ng luha sa mga mata.

"Panda naman. Ano ba talaga? Iiyak ka ba o tatawa?" nalilito pa na sabi nito. Napailing na lang ako.

"Tears of joy ang tawag dito kaya okay lang ako." sabi ko at humingang malalim pa para pakalmahin ang sarili ko. Tumingin naman ako kay Nike at lumapit dito. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito. Kinurot kurot ko naman ito.

"Ang kyot kyot mo talaga, Nike!" tuwang tuwa na sabi ko habang pinanggigilan ang pisngi nito. Hay naku Nike. Mas lalo akong naiinlove sa'yo.


=====================

-M



Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon