KN.11

212 19 16
                                    

Chapter 11


NANATILI akong tulala. Malayo ang tingin. Nakapatong ang siko ko sa lamesa at nakapangalumbaba. Ilang araw na ata akong ganito.

"Huy!" sabi ng isang tao at pumitik sa harap ko dahilan para mapatuwid ang upo ko. Nagulat ako ng mapatingin ako ay nakita ko si Lyra sa may harap ko. Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ito.

"Kanina ka pa dyan?"

"Alam mo sana yan kung hindi ka tulala." sabi nito at umupo sa may upuan sa harap ko. "Problema mo?" tanong nito.

Nangalumbaba na naman ako. "Mahirap eh."

Kumunot ang noo nito. "Ano? Sabihin mo baka matulungan kita." nag-aalalang tanong nito at umiling ako.

"Hindi mo ako matutulungan."

"Ano ba kasi yan?"

"Ang hirap. Ang hirap talagang maging isang dyosa." sabi ko at bumuntong-hininga pa ako na agad naman akong binatukan nito.

"Walanghiya ka. Akala ko pa naman kung ano."naiiling na sabi nito. "Luch break na po. Tumayo ka na dyan at kumain tayo sa labas." sabi nito at tumayo na. Nagtungo naman ito sa pinto. Pero bago ito umalis ay may sinabi ito na nagpagimbal sa akin.

"Mukha kang inlove dyan." sabi nito at lumabas na. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Hindi ha! Hindi ako inlove kay Nike!" bulalas ko na nagpatigil sa akin. Ehh bakit ko sinabi ang name nito?

"Ohh my gosh! Nalilito ang dyosa kong puso! Ikakain ko na lang ito." sabi ko at sumunod na kay Lyra.



"I'M BORED." sabi ko sa kawalan habang nakatingin sa ceiling ng opisina ko. Nakatingin lang ako. Pumikit ako. Sa pagdilat ko ang nakangiting mukha ni Nike ang nakita ko. Marahas akong umiling at pumikit ng mariin.

Ang aga pa para bangungutin ako.

Pagdilat ko ay mukha pa din ni Nike ang nakikita ko.

"Binabangungot nga ako." sabi ko at napailing-iling. Bigla naman tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko naman ay ang ate ko ang tumatawag. Agad na sinagot ko ito.

"Hello! Dyosang Tami speaking." sagot ko.

"Tamarind!" panic na tawag nito. Napakunot naman ang noo ko. Tinatawag niya ako sa name ko.

"Why Ate Karel? Anong kailangan mo sa dyosa mong kapatid?" tanong ko at nagflipped pa ng buhok.

"Tami, please. Punta ka dito. As in now na!" panic na panic na sabi nito. 

Okay. Mukhang emergency nga.

"Okay. The dyosa is coming na." sabi ko at binaba na ang tawag. Nagbilin naman ako sa assistant ko at umalis na.



NANDITO na ako ngayon sa classroom kung saan nagtuturo si Ate Karel. Pre-school teacher kasi ito.

"So ayun nga... pwede bang ikaw na ang gumanap na Belle? Please?" pakiusap nito sa akin. Ngayon sana ang play para sa mga bata kaso ang mga performers ay hindi makakapunta lahat. Dala ng nakakain sila ng panis at ngayon lahat ay may LBM.

"Okay. Kalma Ate Karel. Gagawan ko ng paraan." sabi ko naman dito. Lumabas ako at tumingin sa contacts ko. Naisip ko si Lyra kaso nga ay nasa trabaho ito ngayon. Bigla ko naman naisip si Nike at ang secretary nito.

Hmmm...

Agad na tinawagan ko ito. Matapos ang ilang ring ay sinagot naman nito.

"Hello, Panda?" sagot nito na nagpabilis agad ng tibok ng puso ko.

Music and Lyrics series. Book 2: Kahit Na.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon